"Hon, pakitimpla naman ako ng gatas ni Samantha, oh..." pakisuyo ko sa kanya. Nakahiga na kasi kami ni Samantha. Magkatabi kami sa kama pero siya ay wala pa at nananatili pa rin na nakatutok sa laptop niya. "Sige, sandali lang..." aniya. Nilalaro-laro ko naman ang anak kong inaantok na rin dahil panay na ang hikab at namumungay na rin ang mga mata. Habang wala pa nga ang gatas ay hinele ko na lang siya at maya-maya nga ay nakatulog na. "Here's the milk--" aniya ngunit ng makitang tulog na ang anak namin ay bigla siyang huminto sa pagsasalita. "Shhh... She's asleep..." mahinang sabi ko. Nagsign pa ako ng huwag siyang maingay at tumango naman siya. Nilagay na lang muna niya sa mini ref ang gatas na tinimpla niya dahil pwede naman yun i-warm mamaya kapag nagising si Samantha. I can

