"M-marry me? Akala ko ba ay mag-asawa tayo?" Bigla ay naitanong niya sa akin. Hindi ko tuloy kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi pa talaga kami totoong kasal. "Yes, mag-asawa na tayo. Pero diba? Hindi mo ako naaalala? Kaya gagawa ulit tayo ng panibagong memories? Sisimulan natin dito at sa mga susunod pang mga taon." Simpleng paliwanag ko sa kanya. Batid ko naman na medyo naguguluhan siya pero naiintindihan ko naman siya. "Pwede bang magpakasal na lang tayo ulit pagbumalik na ang ala-ala ko?" Sa sinabi niya ay hinawakan ko na ang kamay niya at inaya ko siyang umupo sa upuan. Buong akala ko ay magiging madali lang ang lahat. Na magagawa ko siyang pumayag ng ganun kadali ngunit hindi pala. Paano ko ba sasabihin na ayaw ko ng bumalik pa ang dati niyang ala-ala. "Lira. Ayaw ko na

