Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Wala akong nakikitang kahit na ano o sino kundi ang puting-puti na paligid. Am I in heaven? Pakiramdam ko ay napakatagal ko ng nakahiga. Pilit kong iginagalaw ang katawan ko ngunit wala akong lakas. Pilit kong iginala ang aking paningin ngunit puting pader lang din ang aking nakikita. Hanggang sa mapatingin ako sa aking sarili. "What happen to me..." mahinang sambit ko. Paos ang boses ko at halos walang maririnig na salita mula sa akin. Napakaraming aparratus ang nakakabit sa akin kaya pala sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pilit kong inaalala ang huling nangyari sa buhay ko ngunit wala akong maalala. "Who am I then?" Napatingin ako ng bumukas ang pintuan. Isang lalake ang pumasok at tila namangha pa siya ng makita ako. "T-totoo ba a

