Kinabukasan ay nakalabas na rin si Tatang sa pagamutan. Medyo nakakalakad na rin siya ng maayos ngunit inaalalayan pa rin siya ni Vladimir. Ginamit pa rin namin ang kotse ng mga goons na yun at humanap muna kami ng isang apartment na pwede naming tuluyan at tulugan dito sa bayan. Mukhang mababait naman ang mga tao dito kaya sa tingin ko ay safe kami rito. "One month deposit, one month advance," sabi nung landlady. Hindi naman na nagsalita si Vladimir at ibinigay agad ang pera sa babaeng nasa singkwenta'y anyos na para makaalis na at makapasok na kami. Pagpasok namin ay kumpleto naman na ng gamit. Ito talaga ang unang itinanong ni Vladimir bago kami magbigay ng pera dahil wala talaga kaming kahit na anong dalang gamit. Inuna niyang alalayan na makapasok sa loob si Tatang, at sunod

