-PRINCESS WENDYRELLA- "Is this seat taken?" Isusubo ko na sana ang burger nang may boses na sumulpot sa kung saan. Napatingala ako para alamin kung sino iyon. "Kringle..." "Hello, Ella," she mumbled and smiled. "Hi! Um, nakareserba talaga sa'yo ang upuan na 'to. Upo ka," pang-iimbita ko. Hinila ko ang monoblock para makaupo siya sa tabi ko. Nakapuwesto kami sa dulo ng canteen. Heto naman ang favourite spot ko kapag recess time, sa sulok. Mabuti na nga lang at bihira ang estudyanteng tumatambay rito. Medyo malayo kami sa karamihan. Nilapag niya muna ang tray na hawak niya bago siya umupo. Nang makaupo na si Kringle, saka ko naman kinagatan ang burger ko. Kanina pa ako gutom at takam. "Kumusta ka na?" tanong ko sa kaniya. Tipid siyang ngumiti sa akin. Pansin ko ang pamamaga ng mga

