bc

DAHIL SA'YO (FILIPINO / TAGALOG)

book_age16+
652
FOLLOW
3.4K
READ
forbidden
love-triangle
family
student
stepbrother
drama
twisted
enimies to lovers
secrets
school
like
intro-logo
Blurb

"What do you want from me?" mataray na tanong ni Princess Wendyrella. 

"You will be my girlfriend. Whether you accept it or... nah.. you will definitely accept it because you don't want me to spread your scandal, right?"

Her jaw just dropped while looking at me.

 

"You don't have a choice so you better accept it. Be my girlfriend and I will make sure that your deepest secret will be safe with me." Desperado na talaga ako. Gago na kung gago pero ito lang talaga ang alam kong gawin para mapa-oo ko siya.

Okay, hindi ako marunong manligaw. Ito lang talaga. Ito lang talaga ang kaya kong gawin─sa ngayon. Ito lang ang naisip kong paraan para makuha si Princess sa mas mabilis na paraan. 

"Okay." She sighed heavily after what she said.

Okay. As in okay na ang lahat?! Pumapayag na siya maging girlfriend ko?! As in we're official! Parang gusto kong sabunutan ang buhok ko sa sobrang tuwa. Pero syempre hindi ko iyon ginawa. My eyes were twinkling when I grabbed her and hugged.

"I will make you happy, my princess. Hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo."

"I have my own condition." Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang sinabi niya. Binitawan ko siya at medyo lumayo sa kaniya para makita ang reaksiyon niya. 

"This relationship will also be our deepest secret."

chap-preview
Free preview
ONE ❤️
Hawak ko ang litrato ng aking ultimate crush ─ si Caleb Hanes Uy. Isa sa mga sikat na estudyante ng Wow Academy. Matangkad, matalino, mabait, magalang, mayaman at magandang lalaki. Miss ko na siya. Dalawang buwan ko rin kasi siyang hindi nakita dahil sa bakasyon namin sa school. Pero syempre, mapuputol na ang pagka-miss ko sa kaniya dahil sa wakas, makikita ko na ulit siya! Isang linggo na lang at pasukan na naman! Agad din naglaho ang pagkasabik. Bigla akong nalungkot at pinanghinaan ng loob. Paano kasi, makikita ko na naman ang mga bully sa school. Napagkakaisahan kasi ako roon dahil sa hitsura kong hindi mala-dyosa ang dating. Napasulyap ako sa maliit na salamin na naka-display sa ibabaw ng study table ko. Napahawak ako sa magaspang kong pisngi na tinutubuan na naman ng pimple malapit sa bibig. “Ugh! Ang pangit ko talaga!” nanggigigil kong saad. Napatingin ulit ako sa litrato ng Baby Chu ko. Buti pa siya ang cute-cute niya, samantalang ako, ang pangit-pangit ko. Ang ganda pa ng mata niya, parang laging nakatawa. Chinito kasi siya. Isa sa mga katangian na gusto ko sa isang lalaki. Iyong mala K-Pop ang datingan. My name is Princess Wendyrella Racal. Wende na tunog bisaya ang tawag sa akin ni mama. Bisaya kasi siya. Habang sa school naman ay Ella. Sounds fairy tale man ang pangalan ko, tunog disgusting naman para sa babaeng tulad ko na hindi kagandahan. Ang dami nga naiintriga sa pangalan ko. Kung papakinggan mo nga naman, iisipin mo na ang nagmamay-ari ng pangalan na iyon ay sobrang ganda na mala-prinsesa. Pero kapag nakilala mo ang tunay na may-ari ng pangalan na iyon, ay naku, mapapa "Oh no! Siya talaga iyon?" ka na lang. Tsk… tsk... Hindi kasing fairy tale ng pangalan ko ang buhay ko. Hindi siya kagaya ng buhay ni Cinderella or ni Wendy dahil unang-una sa lahat, hindi nga ako prinsesa at hindi Cinderella ang name ko. Hindi rin naman ako gaya ni Wendy na may Peter Pan sa buhay niya. Wala naman akong kontrabidang step mom at step sister kaya hindi talaga pareho ang buhay ko sa buhay ng dalawang bidang babae. Nanay lang ang mayroon ako. Wala akong kapatid. Kami lang ni nanay ang magkasama sa buhay simula nang pinanganak ako. Iyong tatay ko ay patay na raw bago pa ako pinanganak. As I was saying, pangit ako. Bakit? Kasi kung maganda ako, hindi ko sana mararanasan ang tuksuhin sa school. Hindi ko sana naririnig ang pangungutya nila nang dahil sa hitsura ko. Ewan ko ba kung bakit masyadong big deal sa mga tao ang panglabas na anyo. Pag-uusapan ka nila kahit nandiyan ka lang malapit sa kanila. Pagbubulungan nila kung gaano ka kapangit. Sasabihan ka nila ng masasakit na salita. And worst, sasaktan ka pa nila physically. Oh ‘di ba, ang babait nila? Kung puwede lang talaga na huwag ng pumasok sa school, hindi na talaga ako papasok. Magkukulong na lang siguro ako maghapon sa bahay. I will just give myself a punishment of a lifetime imprisonment at my house because of having a bad face! Ugh! Ayoko na talaga pumasok sa school! Ayoko na! Naiuntog ko sa lumang mesa ang noo ko. Dahil sa kadesperaduhan ay gusto ko tuloy magpa-plastic surgery. Kung may pera ka. “Oo na! Poorita na kung poorita. Pang-asar ka rin, self!” Pagalitan ba ang sarili? Inangat ko ang aking mukha at muling pinagpatuloy ang pagmasid sa mukha ni Caleb Hanes. Grabe. He's really a campus hearthrob at school. He's a genius at sobrang sikat na sikat siya inside and even outside of the school. Hinalikan ko ang hawak kong litrato at nilapag ito sa aking study table. Tumayo ako at lumapit sa salamin na nakasabit sa dingding ng kuwarto ko. Tinitigan ko nang mabuti ang repleksyon ko. "Ella, you can do it! Huwag kang panghinaan ng loob. Isipin mo na lang na ikaw ang pinakamagandang babae sa buong universe! Aja!" Ilang saglit pa ay laglag balikat na umupo ako sa matigas kong papag. "Sana nga maka-survive pa ako ng isang taon sa Wow Academy," bulong ko sa sarili ko. ***** Kararating ko lang ng Wow Academy. Wala naman masyadong nagbago sa lumipas na dalawang buwan na bakasyon. Maganda pa rin kahit maraming mga dahon ang nagsipag laglagan mula sa mayabong na mga puno. 5:45 pa lang ng umaga. Mamayang ala-siete pa naman ang klase pero maaga akong pumasok dahil gusto ko ang simoy ng hangin sa Academy kapag ganitong oras. Saka umiiwas ako sa maraming estudyante. Ayokong malaman nila na wala akong tsikot na humahatid at sumusundo sa akin kaya naman lagi akong maaga pumapasok at pinaka-late rin naman kung umuwi. Medyo maginaw. Buti na lang may sweater ako kaya hindi ako masyadong giginawin. Ay! Oo nga pala, ngayon ipo-post ng Guidance Office kung anong section ng mga estudyante. Agad akong tumakbo papunta sa Guidance Office dahil doon nakapuwesto ang bulletin board namin. Pero bago ako makapunta roon ay madadaanan ko muna ang music room ng school. Napatigil ako sa pagtakbo nang may marinig akong tunog mula sa loob ng music room. "May tao na rin dito bukod sa akin?" mahinang usal ko. Napasapo ako sa noo nang may maalala. "Shete," bulong ko ulit sa sarili ko. May legend na kuwento ang Wow Academy. Ilang beses ko na rin ito naririnig pero pinagsasawalang-bahala ko na lang dahil ayoko maniwala sa mga sabi-sabi lang. Gusto ko iyong mismong makikita ng dalawang mata ko ay saka ko paniniwalaan. Pero what if, ito na nga iyon? Shete! Hindi naman ako dating matatakutin pero bakit nanginginig yata ang tuhod ko ngayon? Ayokong iparamdam sa kung anong klaseng nilalang na nasa loob ang presensya ko. May narinig kasi si Mang Amador ─ ang pinakamatandang janitor sa academy na mula sa music room ay may nagpapatugtog ng piano. Pero usap-usapan din na hindi raw piano ang pinapatugtog, violin daw. Kaya lang parang hindi naman violin ang naririnig ko ngayon. Sound from guitar. Haneeep, talented ang creature na ‘to ah. Maraming music instrument na alam. Ay teka, ano ba ‘tong kalokohan na naiisip ko? May gana pa ako makipagbiruan sa sarili ko eh ito nga at malapit lang sa tabi ko ang maligno na iyon. Masyado ko yatang tinatakot ang sarili ko. Dapat hindi ako magpaniwala sa sabi-sabi lang dahil hindi pa naman nasasaksihan ng dalawa kong mata ‘di ba? So what do you mean to say? You really want to see that monster creature? “No way!" Agad kong tinakpan ng dalawang palad ang bibig ko nang ma-realize kong sumigaw pala ako. Nagtaasan ang balahibo ko sa batok nang makarinig ako ng malakas na tunog na nagmumula sa loob. "Patay," I whispered. And then the creature opened the door. But before I saw what that creature looked like, I suddenly collapsed. Ayoko makita ang nakakatakot niyang mukha!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

NINONG III

read
416.6K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
426.7K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
582.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook