Story By Jazz Mine
author-avatar

Jazz Mine

ABOUTquote
Wattpad Writer since 2013. Dreame Writer since November 11, 2020. Kindly read my stories para happy. Salamat po!
bc
SERYOSO NA 'TO (FILIPINO/TAGALOG)
Updated at Feb 15, 2022, 09:53
Heiley and Hyden were best enemy for almost a decade. Nagsimula lamang iyon sa hindi inaasahang pagkikita at saksi ang lumang cabinet ni Lolo Jaime sa nabuong sigalot sa pagitan nilang dalawa. Pero ang nakakatawa lang, ang dating magkaaway ay naging ultimate hottest couple ng Fantastic High. Nabuo lamang ang kanilang loveteam sa hindi inaasahang pagkakataon dahil ang boyfriend na ipakikilala sana ni Heiley sa kanyang mga magulang ay bigla ba naman nakipaghiwalay dahil sa mukha daw siyang lalaki?! Dahil sa takot na malaman ng mga ito ang pangyayari ay tinuloy niya ang kanyang plano. Kinailangan ni Heiley ng "fake boyfriend" na ihaharap sa mga magulang na pauwi mula sa Canada. Sa kagustuhang makatulong ni Hyden ay nagprisinta siya maging boyfriend nito habang nasa Pilipinas ang mga magulang ni Heiley. Gagawin niya iyon dahil gusto na rin niya makipag-ayos sa long time enemy niya. "W-Well, kung gusto mo, I can pretend to be your boyfriend." "T-Tutulungan mo talaga ako?!" "Hmmm yeah. I know it would be difficult for us, especially me. You know, I'm a famous guy of HYFERTINSHAUN, campus hearthrob ng Fantastic High tapos malalaman ng lahat na makikipag-dyowa sa babaeng mukhang lalaki." Hmmm, nangangamoy away na naman ito ah. Magiging daan na kaya ito upang sila'y magkapatawaran at mas makilala ang tunay nilang nararamdaman para sa isa't-isa? O mas lalo lamang magiging komplikado ang kanilang buhay sa gagawing pagpapanggap bilang "Ultimate Hottest Couple" kuno nila sa mga taong nakapaligid sa kanila?
like
bc
DUMADAGUNDONG (FILIPINO / TAGALOG )
Updated at Nov 29, 2021, 22:59
Marco is a 19 years old naughty guy. Sakit siya sa ulo na kaniyang mga magulang dahil sa kakulangan ng sipag sa pag-aaral. Kaya naman pagsapit ng summer vacation ay tinapon siya ng mga ito sa kanilang beach house sa Narciso, Quezon bilang parusa. Gusto ng mga ito na matuto siyang kumilos sa sarili niyang sikap, iyong hindi lagi umaasa sa mga magulang.            Pero talagang pinanganak na pilyo ang binata. Gumawa ito ng paraan na makatakas kay Manong Danny, ang katiwala ng kaniyang mga magulang na namamahala sa kanilang beach house. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay mauudlot ang kaniyang planong pagtakas nang makilala niya si Rita, ang Badjao Girl na tubong Zamboanga na kasalukuyang naninirahan sa Lucena, Quezon.            Natagpuan nila ang isa't-isa sa isang pampasaherong bus.             Si Marco, tumakas kay Manong Danny para umuwi na sa Maynila.            Si Rita, nag-123 para makabalik na sa Lucena.                       Makakabalik pa kaya sila sa kanilang pinanggalingan?             Malalabanan ba nila ang "nakatakda" kung mismong ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para sila'y magkakilala?           
like
bc
DAHIL SA'YO (FILIPINO / TAGALOG)
Updated at Sep 29, 2021, 23:08
"What do you want from me?" mataray na tanong ni Princess Wendyrella.  "You will be my girlfriend. Whether you accept it or... nah.. you will definitely accept it because you don't want me to spread your scandal, right?" Her jaw just dropped while looking at me.   "You don't have a choice so you better accept it. Be my girlfriend and I will make sure that your deepest secret will be safe with me." Desperado na talaga ako. Gago na kung gago pero ito lang talaga ang alam kong gawin para mapa-oo ko siya. Okay, hindi ako marunong manligaw. Ito lang talaga. Ito lang talaga ang kaya kong gawin─sa ngayon. Ito lang ang naisip kong paraan para makuha si Princess sa mas mabilis na paraan.  "Okay." She sighed heavily after what she said. Okay. As in okay na ang lahat?! Pumapayag na siya maging girlfriend ko?! As in we're official! Parang gusto kong sabunutan ang buhok ko sa sobrang tuwa. Pero syempre hindi ko iyon ginawa. My eyes were twinkling when I grabbed her and hugged. "I will make you happy, my princess. Hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo." "I have my own condition." Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang sinabi niya. Binitawan ko siya at medyo lumayo sa kaniya para makita ang reaksiyon niya.  "This relationship will also be our deepest secret."
like
bc
TRIANGULO (FILIPINO / TAGALOG)
Updated at Mar 31, 2021, 00:00
Gustong kalimutan ni DM ang kaniyang masamang karanasan sa taong umampon sa kanya. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon na makatakas ay ginawa niya. Nagpakalayo-layo siya at suwerteng napunta siya sa poder ng kanyang Fairy Sweet Mother na si Mama Sweet. Kasabay sa paglimot ng kanyang nakaraan ay ang pagharap naman sa bagong buhay. Hindi siya nakatuntong ng kolehiyo kaya kailangan niya pag-tyagaan ang ano mang trabaho na maibibigay sa kanya ng pagkakataon. Hindi na siya nag-atubiling pumasok bilang katulong para na rin sa pagbabagong buhay na nais niya nang mairekomenda siya ng kanyang Mama Sweet sa regular customer nito sa salon.  Si Rint, guwapong arkitekto na may magandang katawan. Ngunit sa likod ng kanyang kagwapohan ay ang tinatagong nakaraan na gusto niya kalimutan. Si Reymark, masayahin na anak at kapatid. Ngunit ang kaniyang ngiti ay isa lamang palabas dahil sa sikreto na tinatago niya sa kaniyang pamilya. Si Red Jim, nang dahil sa isang trahedya ay napilitan ang kaniyang pamilya na lumipat sa ibang lugar para makalimutan niya ang kaniyang nakakatakot na karansan. Apat na tao na may magkakaibang personalidad at paniniwala. Apat na tao na may malungkot at masakit na nakaraan. Pagtatagpuin ng pagkakataon. Pagtatagpuin sa magulong sitwasiyon. Ano ang mangyayari kung magsama ang apat na nilalang na ito sa iisang bahay? Matutunan kaya nila na kalimutan ang kanilang masalimuot na nakaraan sa tulong ng bawat isa? O baka mas lalo lang lumala at gumulo sa pag-iibigan na uusbong sa loob ng bahay. Naku, tiyak na magulong trianGULO ito!
like
bc
LUCKY AND TINY (FILIPINO / TAGALOG)
Updated at Feb 27, 2021, 21:00
Si Lucky Megan, isang papasikat na commerciaL model. She got the stunning height of 175 cm with a great built of body and got princess-like beauty kaya naman naging madali para sa kanya na pasukin ang showbiz industry. Kung gugustuhin niya ay kayang-kaya niya makuha ang isang lalaki sa isang pitik lang because she's so damn hot and sexy. But the weirdest thing happened is that she's crazily in love with a guy who is 165 cm? Hindi! 164 lang yata height? WHAT??! Si Yujin aka Tiny.... isang frustrated rapper na papasibol pa lang sa mundo ng rap. Maliit man ituring ay nakakapuwing din. Ang lakas lang naman ng karisma. What would happen kung si Lucky at si Tiny ay magtagpo? Do they have a chance to love each other despite the fact that the girl is much more taller than the guy? Na usually naman eh lalaki dapat ang mas matangkad sa babae 'di ba? What about the negative issues they would face, now they are making name in showbiz? Or it would be a great advantage for them para mas lalo pa sila makilala sa showbiz industry? Lets find out their Love story....
like