TWO ❤️

1021 Words
I felt something on my cheeks. I felt someone touching my cheeks. Wait! But before I open my eyes, ano nga ulit nangyari kanina? LOADING... LOADING... LOADING... And then the creature opened the door. But before I saw what that creature looked like, I suddenly collapsed. Ayokong makita ang nakakatakot niyang mukha! Oh yes! I remembered! Sa takot ko na makita ang hitsura ng maligno na iyon ay nawalan ako ng malay. Pero ano ang ginagawa niya ngayon? Oh my! Dinala na ba niya ako sa kabilang daigdig? Hindi na ba ako makakabalik sa mundo? Hindi ko na ba makikita ang nanay ko? Pati ang Mr. Chu ko?! Ugh! Hindi puwede! "Please, maligno, ibalik mo na ako sa amin. Huwag n’yo po ako papatayin." Hindi ko pa rin dinidilat mata ko dahil takot nga akong makita hitsura niya. Napi-picture ko na sa utak ko na ang hitsura niya ay mala-unggoy na parang kabayo. Mabuhok ang buong katawan at mukha. At nakakatakot ang histura. Baka pakitaan pa ako ng mahabang pangil. Oo nga, baka nga dracula pa at kakagatin ang leeg ko. Sisipsipin ang dugo ko?! "Huwag n’yo po kagatin ang leeg ko. Huwag n’yo po sipsipin ang dugo ko. Parang awa n’yo na. Ayoko pong maging halimaw. Please po, maawa ka na sa pangit na tulad ko. Ibalik mo na ako sa Nanay ko." Naiiyak na talaga ako. Sa sobrang takot ko ay napahagulgol na talaga ako. Tinaas ko ang braso ko at tinakip sa mata ko na panay pa rin ang tulo ng luha. Nang bigla kong narinig ang tawa ng maligno. Teka, anong nakakatawa? Nag-joke ba ako? At anong joke ang sinabi ko para matawa ang maligno? "Thanks. You just made me laughed." Teka, boses maligno ba iyon? Bakit parang boses ng lalaki? At maganda ang boses niya infairness. "This is so funny." Teka ulit, did I hear it right? Ang maligno, marunong talaga mag-English? Seryoso? Hindi nga? Hindi ko alam na high tech na rin pala sila ngayon, eh. "I enjoyed your show. I will just replay it whenever I feel sad. I’m sure this video will help me to smile. Take care, Pimps!" But before I opened my eyes, I heard the door closed. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sahig. Yeah, sa sahig ako nakahiga. At nalaman kong nasa loob pala ako ng music room. Ibig sabihin, hindi niya ako dinala sa ibang dimensyon ng mundo. Nasaan na nga pala iyong maligno na iyon. Ano ulit ang sabi niya? "I enjoyed your show. I will just replay it whenever I feel sad. I’m sure this video will help me to smile. Take care, Pimps!" Pimps? Who's Pimps? Shete! Bigla akong tumayo at lumabas ng music room. Pooteeek! Saan pumunta ang maligno na iyon? Mabilis akong tumakbo at lumabas ng gusali. Medyo maliwanag na sa labas at nagpaparamdam na si haring araw. May nakita akong matangkad na lalaki na naglalakad. Sigurado akong estudyante rin siya ng Wow Academy dahil sa suot niyang uniform. Hayun siya! Tumakbo ako ulit para habulin siya. "Sandali! Tumigil ka, maligno!" Ngunit hindi siya tumigil. Hindi ko alam kung nagbibingi-bingihan lang or ayaw talagang tumigil. Bigla siyang lumiko bandang kanan. "Buwisit kang maligno ka. Nagpapahabol ka talaga ah." Binilisan ko pa ang takbo para maabutan ko siya. Kaya lang pagliko ko ─ "Ouch!" Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo ko. Namalayan ko na lang na napaupo na rin sa sahig ang taong nakabunggo ko at nagkalat ang mga libro sa paligid namin. Pinilit kong tumayo kahit masakit ang puwet ko. Dinampot naman ng lalaking nakabunggo ko ang mga librong nagkalat sa tabi namin. "Sorry, hindi ko sinasadya." Sabi ko sa kaniya habang ang mata ko ay patuloy pa rin sa paghanap sa maligno na iyon. Binalik ko ang tingin sa mga nagkalat na libro. Ang dami naman nito. Student assistant ba ito sa library namin at ang aga-aga naman mag-ayos? Pinili kong tulungan na rin siya kahit gusto ko pa rin habulin ang maligno. Pero wala na rin ako pag-asa na mahanap pa iyon dahil nakawala na rin naman siya sa paningin ko. Humanda ka talaga sa akin, maligno. Huwag ka lang papahuli sa akin dahil makakatikim ka ng maraming bawang sa bunganga mo! Napapilig ko na lang ang ulo ko. Ang dami kong iniisip samantalang itong lalaki ito ay hindi pa rin tapos magdampot ng mga libro. Paano naman kasi, pinagpipilitan buhatin ang sangkaterbang libro. Kung nag-iisip ba naman siya eh. Ginamit niya sana ang kukote niya. Gasino man lang na nagdala siya ng malaking reusable bag at doon ilagay ang libro na sobrang kapal pa naman. Hindi iyong pinipilit ang sarili na buhatin iyon ng isang buhatan lang. Ano siya, superhero? "Tulungan na kita riyan. Baka kasi abutin ka pa ng hundred years bago matapos sa ginagawa mo." Parang ako pa ang nahihirapan sa kalagayan niya eh. Kung hindi sana siya pahara-hara sa daan ko, hindi sana nakawala ang maligno na iyon. Eh ‘di sana wala ng halimaw sa Wow Academy! Tumingkayad ako para pulutin ang huling libro na nasa damuhan. Nagkasabay pa kami sa pagdampot. Ang siste, nahawakan niya ang kamay ko dahil ako ang unang nakakuha ng libro. Napatingin naman ako sa kaniya. Sandali akong natigilan nang mapag-sino ang lalaking kaharap ko. "Eyyy," nausal ko. Biglang namanhid ang katawan ko. Parang hindi ko na maigalaw ang kamay ko. Sheeteee! Hindi ba ako namamalik-mata?? Totoo ba talaga ito? Ang taong pinagpuyatan ko lang kagabi ay nasa harapan ko na?! At...at…at…na-touch niya pa ang kamay ko! Biglang may malamig na hangin na umihip. Nanlamig ako. And the next scene is very surprising. Hindi ko natakpan ang bibig ko dahil na rin sa mga librong hawak ko kaya ang nangyari, natalsikan ko yata ng laway ang mukha ni Caleb nang bumahing ako. Shete talaga! First time ko lang nakaharap ng malapitan ang biggest crush ko tapos ito pa ang eksenang mapapala niya sa akin? Ayos na eh. Doon na kami sa touchy-touchy eh. Pero bakit kailangan pa humantong sa ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD