THREE ❤️

1112 Words
Dahil sa kabiglaan ay mabilis kong binaba ang mga pinulot kong libro sa damuhan para daluhan siya. Buti na lang may panyo ako sa bulsa kaya naman nilapitan ko siya at pinunasan ang mukha niya. At ang nakakahiya, natalsikan din pala ang lens ng eyeglasses niya kaya pinunasan ko rin iyon. "Sorry, Baby Chu ─ no, I mean Caleb. Sorry talaga. Sobrang sorry." Panay ang sorry ko. Dahil sa kakayuko ko habang nagso-sorry bigla na lang nagbagsakan ang mga libro na maayos kong nilapag sa gilid. Na naman?! Hindi ko naman nabunggo iyon ah?! Weird! "Sorry, Caleb." Parang gusto ko nang lumubog sa puwesto ko dahil sa sobrang pagkapahiya. Ano bang mayroon sa umagang ito at ang malas ko yata? Hindi ba puwedeng nagkaharap kami ni Caleb tapos biglang may mahuhulog na mga cherry blossom at puro heart ang nasa paligid namin? Hindi ba posibleng mangyari iyon? Teka, may cherry blossom ba rito? Agad kong kinuha ang mga libro at nagsimulang buhatin iyon. Sobrang pagmamadali ang ginawa ko para matapos agad. "Thank you," narinig kong bulong ni Caleb. Napatingin ulit ako sa kaniya. Those familiar face na nakakabit na sa puso ko. Ang masayahing ngiti at mata ni Caleb na nagpapatigil ng pag-ikot ng mundo ko. Parang ayoko ng matapos ang umagang ito. Kinuha niya ang ibang libro sa akin at sabay kaming tumayo. Hindi pa rin ako maka-move on. Tulala pa rin akong nakatingin sa kaniya. "Are you alright?" Tila nagising naman ako nang marinig ko ang malamyos niyang boses. "Eyyy…" "A?" "Eyyy…Never mind." Pinilit kong ngumiti at nagpatiuna ng lumakad. "Grade 11 ka ‘di ba?" Biglang tanong niya sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Napatingin naman ako sa kaniya. "Eyyy yes," tipid kong sagot. Nahihiya kasi ako na baka bumahing na naman ako tapos tumalsik na naman laway ko kaya saglit ko lang siya tinapunan ng tingin. Ayoko ng maulit iyon. Sobrang dyahe men! "Anong section mo?" "Eyyy…" Hindi ko mapigilan ang hindi siya titigan kaya muli ko siyang sinulyapan. Nakaka-mesmerize talaga ang mga mata ni Caleb. Grabe! Nag-volunteer na ako na samahan siya hanggang library para ayusin ang mga librong hawak niya. Hindi ko alam na ganito kaseryoso sa pag-aaral si Caleb. Kaya naman pala siya ang genius ng school, ganito pala karami ang librong binabasa niya. Ilang gig ba ang capacity ng utak niya at nagagawa niyang basahin ang mga libro na ito na singkapal ng encyclopedia? Kasi kung ako lang, baka hindi ko pa nahahawakan ang libro na ‘to ay give-up na ako. Ayoko ng mga ganitong uri ng libro. Nakaka-boring! "A? Section A ka?" pagtataka niya. "Eyyy, hindi. I mean hindi ko pa alam ang section ko," agad kong bawi. "Ganoon ba? Akala ko talaga Section A ka eh." Ako naman ang nagtaka. Ano naman kung mapunta ako sa section A? Big deal ba iyon sa kaniya? "Nakapaskil na sa bulletin board ang designation of section ng mga students." Nakangiti na siya ulit. "Oo. Titingnan ko mamaya. Samahan lang kita na maihatid ‘to sa library." "Salamat." Puwede na siya maging commercial model ng toothpaste sa ganda ng ngipin niya. Nakaka-inlove talaga! ***** Tapos na kami magsalansan ng mga libro. Kung ganitong nilalang ba naman ang makakasama ko sa library, willing akong tumambay dito basta si Caleb ang kasama ko. Palihim kong tinitingnan si Caleb hindi kalayuan sa puwesto ko. Those eyes, nose and lips, his lips. Ano kaya ang feeling na mahalikan ng magandang labi ni Caleb? Napailing na lang ako. Kung anu-ano na naman ang naiisip ko. Minamanyak ko na naman si Caleb sa isip ko. Tapos ko ng ilagay ang huling libro na hawak ko. Siya naman ay nag-aayos na lang ng mga nagkalat na papel sa ibabaw ng mesa. Inobserbahan ko lang siya. Grabe nai-inlove na naman ako sa kaniya! Sinundan ko ang bawat kilos niya. Bagay sa kaniya ang eyeglasses na suot niya. Hindi masyado mapaghahalataan na geek siya kasi parang nakaporma lang din naman siya gamit ang salamin na iyon. Biglang sumagi sa isip ko kung may masuwerteng babae na ba ang nagmamay-ari ng puso niya? Bigla akong nakaramdam ng inggit nang maisip iyon. Ang suwerte naman ni girl. Pero paano kung wala naman pala siyang girlfriend? "Sana wala ka pang girlfriend, Caleb." Tumigil siya sa ginagawa niya. Nagtataka ang mukha niya pero napalitan din iyon ng ngiti sa labi niya. Naglakad siya papalapit sa akin. Bigla akong napaatras at napasandal sa book shelf nang makalapit siya sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko ng dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Ewan ko ba kung bakit naman ay nagawa ko pang ipikit ang mata ko. "Wala pa akong girlfriend." Bigla akong napadilat. Nakita ko siyang naglagay ng libro sa likod ng book shelf na kinasasandalan ko. Ano ang sinabi niya? "Eyyy?" Tumingin siya sa akin "Tinatanong mo kung may girlfriend na ako ‘di ba?" At kailan ko naman tinanong iyon sa kaniya? Bigla kong natampal ang noo ko. Hindi ako marunong mag-ingat. Sinabi ko ba talaga iyon kanina? Ang natatandaan ko lang, nagsasalita lang ako sa isip ko. "Wala akong girlfriend." Ulit niya at nakangiti na naman siya sa akin. "Eyyy." Bigla kong narinig ang mahina niyang tawa. Pinisil niya ang pisngi ko na mas lalong ikinabog ng dibdib ko. Nabigla kasi ako sa pagpisil niya sa pisngi ko. "Alam mo bang ang cute mo?" "Eyyy?" "A. A. Kanina pa iyang A na iyan ah? What's the meaning of A? Awkward?" pabiro niyang tanong. Hindi ako nakapagsalita. Parang gusto ko ng mawala sa paningin niya sa sobrang pagkakatitig niya sa akin. Natataranta ako sa kaniya eh! Sinabi ba talaga niyang cute ako?! Ako na pangit sa paningin ng iba ay cute para sa kaniya? Nagsasabi ba talaga siya ng totoo? Ako na may pangit na pagmumukha ay cute raw sabi ni Caleb. OHMAYGASHHHHH! Natataranta na talaga ang puso ko. Hindi ko na kaya ang nakakatunaw na tingin ni Caleb. Nagrarambulan na ang puso ko at gusto ko ng sumigaw. "Alis na ako." Tumalikod na ako at lumakad palabas ng library. Tutal tapos na naman kami at natulungan ko na siya. "Salamat, Ella!" Lumingon ako sa kaniya. Nginitian ko siya at tuluyang lumabas ng kuwartong iyon. Sa sobrang pagmamadali ko na makaalis sa puwesto na iyon ay hindi sinasadyang natalisod ako. Shete! "Ingat ka, Ella." Lumingon ako ulit sa kaniya. "Salamat." Nang masiguro kong malayo na ako sa library na hindi niya ako maririnig ay agad kong nilabas ang kanina pang nagtatagong saya sa damdamin ko. Sumigaw ako ng napakalakas! "Thank you, Lord! You’re so good to me talaga! I love you po, Papa G!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD