-PRINCESS WENDYRELLA- Nilapag ko na lang sa mesa ang hamburger na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakain. Nadurog lang siya sa kamay ko sa sobrang gigil ko sa eksena namin ni Pepito sa klase. "Princess Wendyrella Racal?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko ang lalaking papalapit sa akin. "Sino ka?" Estudyante rin siya sa Wow Academy pero hindi ko siya kilala. "I'm Kyle. Pinapatawag ka ni Ms. Consuelo sa music room. May importante raw siyang sasabihin sa'yo." "Ah, okay. Sige, salamat." Ngumiti muna si Kyle bago siya nawala sa paningin ko. Dahil hindi pa naman talaga ako gutom at wala pa naman talaga akong balak kumain ay tumayo na ako para puntahan si Ms. Consuelo. Sinulyapan ko muna ang kawawang hamburger na nasa mesa. "Halika na nga. Mapapagalitan pa ako ni Naynay kapag

