-PETER- “Let’s eat.” She said before she transferred some rice on my plate. I stared at her for a seconds. “My princess, is there something wrong?” I reached out to hold her hand. “Kanina ka pa tanong nang tanong. Kumain na lang muna tayo kasi kanina pa ako gutom,” mataray niyang sagot. Hindi na ako nagpumilit pa. Mukhang mas maigi nga na kumain muna kami bago namin pag-usapan ang eksena kanina sa school. Pero imbes na sumubo, mas pinagtuunan ko ng pansin si Princess. Makita ko lang na magana siyang kumakain ay busog na rin ang tiyan ko. Dinala ko siya sa paborito kong kainan. Mabuti na lang at nagustuhan ni Princess ang pinagdalhan ko sa kaniya. Ako na rin ang umorder sa kaniya dahil hindi niya alam kung ano ang kakainin. Halos lahat daw kasi ay masarap. Dumagdag na lang siya ng dess

