- PRINCESS WENDYRELLA - Hindi ako komportable sa kinauupuan ko. Bakit kailangan makatabi ko ang mokong na 'to? Bakit kailangan ko danasin ang mga ganitong eksena sa buhay ko. Ang lakas lang talaga niya mang-blackmail! Ugh! Dapat si Caleb Hanes ang katabi ko ngayon eh. Ako dapat ang ihahatid niya at hindi si Luisa! Ang epal talaga. Ano ba kasi ang sumanib sa kaniya at pilit niya akong pinasakay sa kotse niya? Naku, hindi puwede 'to! "Itigil mo ang sasakyan. Bababa ako!" matapang kong sigaw. Lumingon siya sa akin pero hindi pa rin niya tinigil ang sasakyan. "Ano bang problema mo?! Bakit kailangan mo pang mangdamay? Itigil mo na ang sasakyan, please lang." Tumingin ulit siya sa akin. "You really want to know my problem?" He just continue driving. "Wala akong pakialam sa problema mo. An

