- PETER PAN - Iniwan ko na sila na iiling-iling lang. Pumasok na ako sa loob ng shower area at binuklat ang shower curtain. Narinig ko na nagpaalam sila sa akin bago umalis. Nagsimula ng rumagasa sa hubad kong katawan ang malamig na tubig na nanggagaling sa faucet. Sinimulan ko mag-shampoo then sabon naman ang buong katawan. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin si Leen. Nag-aalala pa rin ako hanggang ngayon sa kaniya. Hindi ko naman magawang harapin si daddy at tanungin ang status ni Leen, kung saan man siya pinadala to attend a seminar. Panigurado naman na babalik din iyon. Alam kong hindi niya ako matitiis dahil bestfriend niya ako. Pikit-mata kong sinalo ang tubig na nanggagaling sa taas na bahagi ng shower. At nakakatawa lang dahil pagpikit ko ng mata ay isang nakakatakot na imahe

