VERA
I was resting in my hospital room when suddenly someone stormed into the room and rushed towards me. I saw a very furious Nicole. I was puzzled for a moment, thinking about what I had done with her, until she started crying and begged me to stop meddling in their so-called family life.
I raised my left eyebrow.
I sat down slowly on my bed and looked at her without remorse.
“Here we go again,” words running in my head.
“Vera, almost two months pa lang kaming kasal ni Denver. Patahimikin mo kami, please,” sabi ni Nicole habang parang nagdarasal na nakaluhod sa tabi ng aking kama.
“Nicole, nasa ospital tayo. Please leave me,” pakiusap ko rin.
Pakiramdam ko ay sumakit ang aking ulo. Kung meron man isang tao na ayaw kong makita sa ngayon, si Nicole iyon. Actually, simula nang malaman ko na nurse siya sa ospital kung saan ako naka-confine dahil sa limang tama ng baril, ni-request kong hindi s'ya ang nurse na mag-asikaso sa akin.
Wala akong tiwala sa kan’ya. She's the prime suspect sa pamamaril sa akin kaya hindi ko gustong magkalapit kami habang mahina pa ako. Although she denied it once, I still do not trust her words.
“Hija, are you ready?” Natigilan si Dad nang sa pagpasok n'ya ay nakita n'yang nakaluhod si Nicole habang ako naman ay nakaupo sa kama.
“Yes, Dad. Will you please help me to get down?” tanong ko. May tama rin ako ng bala sa hita kaya inoperahan ako para matanggal iyon. That's the reason why I stayed a little bit longer in the hospital.
“Miss, who are…” Dad paused for a moment. “...you?”
“Nicole… Mrs. Nicole Alcomendras.” Tumayo si Nicole sabay abot ng kamay n'ya kay Daddy. Hindi na rin n'ya hinayaan na makapagsalita ulit ang aking ama. “Sir, pagsabihan mo naman ang anak mo. Nanghihimasok kasi siya sa relasyon ng iba.”
Napatingin sa akin si Daddy.
“Miss, I have no time for this nonsense. Instead na kami ang ginugulo mo, try to talk with your husband.” Nakita ko sa mukha ni Daddy ang tinitimpi niyang inis. “Vera, let's go home.”
Habang inaalalayan ako ni Dad para makaupo sa wheelchair, palayong itinulak ni Nicole ang wheelchair.
“Sir, please, help me. Bilang ama, kayo dapat ang pumipigil sa anak ninyo para hindi siya maging kabit, at para hindi siya makasira ng isang pamilya,” saad ni Nicole.
“Give me the wheelchair.” Very authoritarian na ang boses ni Daddy. Alam kong galit na siya kapag ganon na ang tono niya.
“No! Mangako muna kayo sa akin na hindi n'yo na guguluhin pa kaming mag-asawa,” pamimilit ni Nicole.
Napailing ako. She's totally insane. Very immature ang galawan niya.
Bago pa tuluyang magalit si Daddy, I suggested na alalayan n'ya na lang ako palabas ng silid. Dahil nakita n'yang nasasaktan ako sa matagal na pagkakatayo, binuhat n'ya na lang ako habang panay ang utos n'ya sa mga katulong. Ang isa ay pinaayos n'ya ng mga gamit namin at ang isa naman ay pinakuha n'ya ng another wheelchair.
Sa halip na tumigil si Nicole, sumunod pa siya sa amin. She desperately and repeatedly begging na ipaubaya ko sa kaniya si Denver.
But at the back of my mind was a big no!
Malagay man sa alanganin ang buhay ko, I will not give-in to Nicole's drama. Kilala ko ang mga kagaya n'ya. She's selfish, always playing victim, and most of all… heartless.
Nicole blocked the doorway kaya hindi kami makalabas. Dahil nasa forty-nine kilos din ako, nahirapan si Daddy. Hinihingal na siya pero walang plano si Nicole na hayaan kaming mag-ama. I got irritated. She pushed us but since Daddy is bigger than her, nagawa siyang tabigin ni Daddy using his left parts of the body.
Nicole grabbed my Dad's shirt while shouting and telling him na pigilan ako pang-aagaw ng asawa.
Napatingin ako sa maid na namumutla na. Inutusan ko siya na buksan ang pintuan para makalabas na kami. Unfortunately, Nicole pushed her so hard. Pasalampak na bumagsak ang maid sa semento.
“Nicole, illegal detention ang ginagawa mo,” I reminded her. “Hindi ko ito palalampasin kaya bago pa kita sampahan ng kaso, you have to let us out.”
“No! Mangako muna kayo na patatahimikin n'yo na kami!” Hysterical na saad ni Nicole.
Kung hindi ko mahal si Denver baka pumirma pa ako ng kasunduan para lang matahimik si Nicole, but no! Karugtong ng buhay ko si Denver. Wala akong pakialam kung may nasasaktan dahil para sa akin, ako ang may karapatan sa lalaking ipinaglalaban n'ya.
Ilang minuto lang, dumating ang limang guards ng hospital. Hindi lang pala wheelchair ang kinuha ng isang katulong na inutusan ni Daddy, tumawag din siya ng guards. Dinampot nila si Nicole at dinala sa administrator’s office. Ako naman ay ipinahatid na ni Daddy sa driver habang siya ay naiwan para makipag-usap sa management ng ospital.
On my way home, tumawag si Daddy. He was asking kung idedemanda ba namin si Nicole. I told him na palipasin na lang namin ang nangyari dahil kailangan ni Denver ang babaeng iyon. Ayaw kong tuluyang mawala ang lalaking mahal ko kaya uunti-untiin ko hanggang sa mahalin n'ya ako.
Habang tuluyan akong nagpapagaling, pilit akong gumagawa ng paraan para masolo ko si Denver. One afternoon, I asked him for a meeting. Balitang-balita kasi sa tv, radyo,at social media na may kumakalat na bagong sakit ng mga hayop mula sa China. Ginawa ko iyong excuse para magkaroon kami ng oras sa isa't-isa. Kunwari, business meeting pero iba na talaga ang plano ko sa simula pa lang.
“Tita Estela, please make sure na walang alam si Nicole sa meeting na ito.” I told Denver's mom over the phone. “Kailangan kong makuha ang loob ni Denver bago pa tuluyan na si Nicole na lang ang maging focus n'ya.”
“Okay, don't worry, hija. Kahit ayaw ko sa babaeng iyon, isasama ko siyang mag-shopping para magkaroon kayo ni Denver ng maraming oras sa isa't-isa at para hindi siya magkaroon ng chace na malaman ang mga lakad ni Denver. In that way, mababantayan ko rin ang mga kilos n’ya.”
“That's good, Tita. So pa’no? Next week, Thursday, sa Villa Quintin sa Zambales kami magkita ni Denver. Kunwari may titingnan din kaming farm doon for expansion ng ating negosyo para hindi na siya magtanong pa ng kung anu-ano.”
“Okay, Vera. I’ll prepare some documents to… you know… kunwari details ng bumabagsak na income ng farm na pwede n'yong pag-usapan.”
Napangiti ako ng ubod tamis. Ever since nakilala ko si Tita Estela ay very supportive talaga siya sa akin. Although alam ko naman na hindi talaga nalulugi ang ang farm nila, pinahanda ko pa rin ang mga documents na sinabi niya. Wala lang, para may mapag-usapan lang kami ni Denver sa kunwari meeting namin.
Dumating ang araw ng meeting namin. Dahil ako naman ang may-ari ng Villa Quintin which was named after my great grandfather, hindi na ako nagdala pa ng maraming damit kahit ang plano ko ay mag-stay doon ng ilang araw. May mga gamit na ako roon dahil hindi ito ang first time na dumalaw at nag-stay ako roon.
Nauna akong bumiyahe papuntang Zambales. Gusto ko kasing handa na ang lahat kapag dumating si Denver. He was my most anticipated guest since I manage the villa kaya ayaw kong ma-stress siya o magkaroon ng problema kapag andoon na kami.
“Hija, Denver has already left the house,” Tita Estela texted me. Sinabi n'ya rin na may kasama itong driver.
Para akong sinisilihan sa sa puwet. Lahat ng alam kong magpapa-enhance ng ganda ay sinubukan ko. Yes, pagkakataon ko na ulit para akitin ang lalaking gustong-gusto ko.
Bago magtanghalian ay dumating na si Denver. Kunwari ay hindi ako excited na makita s'ya. Ang caretaker muna ng villa ang sumalubong sa kanila ng driver para hindi obvious na sabik na sabik ako na makita siya. But the truth is, sinisilip ko siya at pinag-aaralan ko ang bawat kilos niya habang pinagmamasdan niya ang malawak na bakuran.
I smiled bitterly and hopping in my heart na mahalin ako ni Denver sa pagkakataon na ito.
“Ma’am, bababa na po ba kayo?” tanong sa akin ng isa sa mga katulong sa villa. Nakita n'ya akong nakasilip sa bintana na natatakpan ng fully automated black curtain.
“No. Bigyan mo muna sila ng makakain. Sabihin mong busy pa ako at may kausap pa sa telepono na business partner,” utos ko.
Sa loob ng malamig na silid, pinagpapawisan ako. Para akong isang teenager na first time pinansin ng crush ko.
After thirty minutes, bumaba na ako para salubungin si Denver. I wore an elegant, above-the-knee, and sleeveless black dress. It has a two slit on both side kaya everytime na humakbang ako ay nakikita ang makinis kong hita. Gaya ng dati, labas din ang cleavage ko.
“Hi, Mr. Alcomendras. Pasensya na kung ‘di ko kayo naharap agad,” sabi ko sa masiglang boses.
“It's okay. Thank you for the food. It was mouth-watering,” he replied. “By the way, I have an urgent matter to attend to later this evening kaya gusto ko sanang matapos kaagad ang meeting nating dalawa.”
What?
Halos himatayin ako sa gulat. Hindi ba alam ni Tita Estella ang schedule ng anak n'ya?
Napakuyom ako ng aking mga kamao. Nanlisik din ang mga mata ko. Bahagya akong tumalikod para hindi makita ni Denver ang galit na sinusupil ko.
“Miss San Miguel, please… help… help… Ah… it's too painful.” Denver's voice was full of agony.
Sa pagharap kong muli sa kaniya, isang Denver na nakalugmok sa carabao grass ang aking nakita. Pilit n'yang inaabot ang mga kamay kong nakalagay sa dibdib.
Napanganga ako. Kalaunan ay nagsisigaw at nagtatalon na rin ako habang tinatawag ko ang pangalan n'ya.