DAX’s POV Walang makakapigil sa akin kahit nasaan man kaming lugar ng baby ko. Malakas na naman siya kaya walang pagdadalawang-isip na kahit nasa ospital kami ay inangkin ko pa rin siya. Hindi ako satisfy sa isang beses lang kaya umulit pa kami nang umulit. Bago pa may kumatok, okay na ang lahat. Inalis ko na rin ang pagkaka-lock ng pinto. Nakadamit na ako at ang baby ko ay naayos ko na rin. Parang wala lang nangyari sa aming dalawa. Inabutan kami ng kukuha ng vital signs na kumakain. Nakakagutom ang ginawa namin kaya ‘yong mga pagkain na sinasabi ni Tiya Mila ay kinuha ko na at kasalukuyang pinagsasaluhan namin ng aking baby. “Kain kayo!” yaya ko pa sa dalawang estudyante. Kahit naka-upo ang baby ko hindi ko na kailangan pang bantayan ang mata nitong lalaking nurse. Nasuotan ko na

