KASSY’s POV “Nurse, kumusta ang vi tal signs ng baby ko?” Para naman akong bata kung itrato ng aking boyfriend. May inilagay ito sa aking daliri para malaman ang oxygen level sa katawan ko at pulse rate. “Okay naman po, Sir. Normal naman po.” Sagot ng isang nagsusulat sa chart. “Ma’am, congratulations po! Engagement ring po ba ito? Wala po ito kanina nung huling kuha po namin ng vital signs ninyo.” Mga estudyante pa sila. Intern lang pala sila rito. Nag-interview si Dax kanina. Napatingin ako sa aking daliri. Ngayon ko lang napansin. Kaya pala may nararamdaman ako kanina sa daliri ko pero hindi ko naman napagtuunan ng pansin. May singsing ako pero hinubad ko iyon kagabi. Akala ko ay ang singsing ko lang na binili ko pa noon mula sa una kong sahod. Pagkakita ko sa singsing sa aking d

