KASSY’s POV Naghahalo ang tuwa at kaba ko dahil ikakasal na ang anak ng boyfriend ko. Ang sabi ko sa kanya, pwede niya akong ipakilala kapag tapos na ang kasalan. Kapag ganap na Misis na ang nag-iisang anak niya. Hindi na masisira ang mood nito at naihatid na rin siya sa altar ng Daddy niya. Marami kasi akong iniisip at un ana doon ang ayaw kong maging dahilan para masira ang isang masayang okasyon. Ako na hindi alam kung nasaan ang Itay ko? pero gusto ko pa rin na makasama siya sa isa sa pinaka-espesyal na araw na mangyayari sa akin. Kahit hindi sa simbahan basta ma-witness lang niya kung gaano ako kasaya. Hindi buo ang pamilya ko at pwede ko rin ikahiya. Pero magulang ko pa rin sila. Kahit na nagloko si Inay – magulang ko pa rin sia. Sumunod lang na naghanap si Itay. Maaaring hindi

