KASSY’s POV Ilang araw na pero hindi pa rin bumabalik si Dax. Tumatawag naman siya sa akin sa opisina bago magsimula ang online class ko. Tumatawag din siya sa gabi o kaya ay video call kaming dalawa bago matulog. Wala naman ibang choice kundi makuntento ako sa tawag at video call. Iba pa rin naman ‘yung nakikita ko siya at nararamdaman ang mga yakap at halik niya. Hindi na ako umaasa na makakauwi pa siya dahil sabi nga niya ay marami siyang aayusin at ang anak niya ay ikakasal na sa sunod na taon. Ikinasal na kasi ngayong taon si Sir Dougz. Kaya sa susunod na taon ay ang princess naman niya. Nakakain na kami at nung Monday ang usapan nila ni Tiyo Pepe ay mag-iinom sila ngayong gabi. Pero malabo dahil wala ito at malinaw na sinabi niya kanina sa akin na hindi siya sigurado. Hindi ko i

