KASSY’s POV Nalinis ko na ang mga kalat dito sa salas. Si Dax naman ay nagpunta na sa CR para maligo. Si Onak naman ay nakalipat na sa kwarto ni Otik. Tahimik na ang lahat. Hindi lang naman ang kwarto ni Onak ang may nakalagay na mga tray ng itlog pati na rin sa dalawa pang kwarto. Natapos na ako rito ay hindi pa rin lumalabas si Dax mula sa CR. Kaya kinatok ko na ito. “Daddy, tapos ka na ba?” kumatok ako at mahina akong nagsalita para hindi rin ako makabulahaw. Bumukas ang pinto at nakahubad na ito habang hawak ang kanyang mga damit. Kasalanan ko dahil hindi ko sa kanya itinuro ang mga pako sa likod ng pinto na siyang sabitan ng mga damit na pamalit at hinubad. Pati ang sabon ko ay hindi ko naituro sa kanya. Pumasok na rin ako sa loob ng CR at kinuha ko rito ang hawak niyang mga

