KASSY’s POV Nagising ako dahil naiihi ako. Pakiramdam ko ay naihi na ako sa kama. Mabilis pa naman akong nakakakilos dahil maliit pa naman ang tiyan ko. Pag-upo ko sa toilet bowl at aalisin ko ang aking panty ay wala ito. “Wala akong suot na panty? Nagsuot ako kanina, a. Wala naman ako sa condo at wala rin si Dax para hindi ako magsuot.” Kinakausap ko ang sarili ko. Nakakapagtaka naman na wala akong suot. Kulay pink na lace pa iyon. Umihi pa rin ako kahit na iniisip ko kung nasaan ang panty ko. Nagsuot talaga ako. Sino naman ang mag-aalis niyon? Naghugas akong mabuti at nanlalagkit din ang aking pagkababa e. “Nanaginip baa ko at inalis ko ang panty ko? Gano’n ko ba ka-miss si Dax? Hindi ko nga ginawa na ma-miss iyon nitong mga nakaraang gabi.” Lumabas ako at binuksan ko ang mga ilaw pa

