DAX’s POV May papapirmahan na naman si Lex na dokumento sa akin. Pumunta talaga rito sa bahay. Hindi niya alam ang problema ko at hindi naman alam ng mga nandito na narito ako. Tanging si Cinderella lang ang may alam. Humahanap din ako ng pagkakataon para makaalis dito. Pupunta ako sa office. Pwede rin akong makisakay kay Lex papuntang opisina. Tinawagan ko si Cinderella sa kanyang number. “Hello, Sir Padz!” sagot nito sa akin. Talagang Sir Padz na ang tawag niya sa akin. Mabuti na lang at hindi madaldal ang baby ko tulad niya. Baka kapag si Cinderella ang girlfriend ko ay naipagkalat na niya kung gaano kalaki ang alaga ko. “Makinig ka sa akin, Cinderella. Baka nand’yan na si Lex sa labas ng gate. Kausapin mo muna siya at baka may makapansin sa kanya. Ikaw na gumawa ng alibi kung b

