DAX’s POV “Mrs. Mendoza, could you please check if Dougz is available in his office. Thank you.” Busy si Mrs. Mendoza pagkarating ko sa opisina. Si Lex naman ay hindi na bumaba. Inihatid lang niya ako rito sa opisina. May pinapirmahan lang naman siya. Baka rin gumawa lang ng paraan ang isang iyon para makapunta sa bahay. Okay lang din at nakalabas ako ro’n na walang nakakakita. “Akala ko po ay hindi kayo papasok, Sir. Sige po, tawag po ako sa opisina ni Sir Dougz.” Sagot sa akin ng aking secretary. Hindi ko na siya sinagot at pumasok na muna ako habang hinihintay ko kung nasa opisina na niya si Dougz. Ayaw ko siyang tawagan. Gugulatin ko na lang nang punta. Napahawak pa ako sa aking bigote at balbas. Ang haba na. Gusto ko sanang linisin na kaya lang ay baka mahalata nil ana masaya na

