DAX’s POV Umuwi rin agad ako sa condo. Nagpahatid na ako kay Boy. Mas okay na nasa condo ako kaysa manatili ako sa opisina. Gusto ko talagang makonsensya ang mga dapat makonsensya. Madali na rin ako makakakuha ng information dahil kay Cinderella. Siya ang magiging mata ko sa bahay ni Mommy. Sa condo na lang ako magtatrabaho. Hindi ako makakapagtrabaho nang maayos sa opisina. Ano na kaya ang iniisip nung tatlo? Nadala kaya sila sa drama ko. Noong mga nakaraan ay totoo talaga ang iyak ko kapag kausap ko sila. Pagkatapos malalaman ko lang na pinagtatawanan lang pala nila ako. Kanina, makakatawa pa kaya sila? Lalo na ‘yang si Dougz. Sobra-sobra na ang ginawa ko sa kanyang paawa ng hindi niya mahahalata na sinasadya ko. Isa pa kaya mas ginusto ko pang umuwi ay gawa ni Manang. Nakakahiya t

