DAX’s POV Nakatulog ako sa paghihintay sa tawag ni Dougz. Wala pa rin itong balita sa akin. “Bakit tumatawag ito?” ngayon lang muli ito tumawag – ang kinuhang tagamatyag sa lugar ni Tiya Mila. Hindi ko pa pala siya nasabihan na hindi talaga niya makikita si Kassy dahil hindi naman umuwi sa Cavite. “Napatawag ka?” pupungas-pungas pa ako. Ngayon lang ako nakatulog dahil hindi naman ako mapakali kagabi pagkatapos kong pasukin si Kassy sa kwarto habang natutulog. “Boss, nandito na po ang pinapahanap ninyo sa akin?” Wika nito sa kabilang linya. Nasa may Cavite siya kaya paano napunta si Kassy sa lugar na iyon? Nasa bahay ni Mommy si Kassy. “Sigurado ka?” paniniguro ko pa rito. Sinabunutan ko muli ang sarili ko, baka nanaginip lang ako. Masakit kaya totoo nga ito. “Opo, boss. May kasama

