KASSY’s POV Humahangos na dumating ang tatlo rito sa bahay ni Mommy. Si Thisa ang kumatok sa akin sa kwarto. “Kassy, mag-usap tayo. Galing si Daddy sa opisina ni Tito Dougz at kung anu-ano ang kanyang sinasabi. Kailangan natin pag-usapan kung ano ang dapat natin gawin.” Lumabas ako ng kwarto at magkasabay kaming bumaba ni Thisa. Nasalubong namin si Cinderella kaya inutusan ito ni Thisa na kumuha ng maiinom. Sinabi ni Dougz ang mga sinabi ni Dax sa kanya kanina. Nakakramdam ako ng awa sa kanya. Kahit noong mga nakaraan na umiiyak siya habang kausap ni Dougz ay tila gusto ko na umuwi. Kaya lang ay pangalawang beses na niya akong pinagdudahan na walang basehan. Ang gusto lang naman namin ay turuan muna ito ng aral. Natakot sila na baka puntahan ako ni Dax dito sa bahay. Pumasok s

