KASSY’s POV Sa oras ng landian, Daddy ang tawag ko sa kanya. Iyon naman ang turo niya sa akin. Pero kung seryoso ang usapan at tungkol na ito sa pamilya ko, dapat lang na lumugar ako. Boss ko pa rin siya kahit saang anggulo dahil wala naman kaming usapan na may relasyon kaming dalawa. Hindi sa na-e-enjoy ko ang ginagawa namin. Hindi ko lang ma-control talaga ang katawan ko. Minsan nga pati ang isipan ko. Lumaki ako sa conservative kong Tiya Mila kaya talagang baka makalbo niya ako kapag nalaman niya ang ginagawa ko ngayon. Kahit kay Rhein ay hindi kami naging intimate na dalawa masyado. Kay Daddy Dax, halos kainin na niya ako nang buong-buo. Gusto ko ang pakiramdam sa tuwing pinagsasaluhan namin ang init ng aming mga katawan pero mayroon pang mas malalim na dahilan na hindi ko rin nama

