DAX’s POV “Daddy, pahinga muna tayo. Kumain ka na rin.” Awat na sa akin ng aking baby. “One last, baby.” Sambit ko pa rito. Nandito na kami ngayon sa couch habang naka-upo siya paharap sa akin. “Mamaya na lang ulit, Daddy. Kanina pa tumutunog ang telephone. Baka may kailangan sa iyo.” Wika sa akin nito. Tumayo ako na buhat buhat ko pa rin siya. Hindi ko siya pinababa mula sa aking kandungan kaya magkasama kami pagbalik sa table ko. Iniupo ko ito sa harapan ko habang kausap si Mrs. Mendoza. “Sir, I apologize for interrupting your meeting, but I need to discuss an urgent matter with you. Naka-ilang beses na pong tumawag si Miss Eva and she’s asking kung naibigay ko na po sa inyo ang kanyang project proposal? Nandito pa po kasi siya sa table ko. Hinihingi na raw po ninyo ito sa kany

