CHAPTER 37 HILAM NA HILAM na nag mga mata ni Antheia habang nag-iimpake. Magulo ang isip niya ngayon. Naguguluhan siya. May isang parte ng pusoniya ang nagsasabi na dapat siyang makinig kay Frix ngunit ang isang parte naman ng isip niya nagsasabi na huwag. Nalilito siya sa kung anong anong gusto gawin ng isip at puso niya. Ang bigat ng kaniyang dibdib habang nilalagay ang mga gamit sa kaniyang bag. Paniguradong tulog pa ang mga magulang niya dahil pagod sa nagdaang okasyon. Natigilan siya nang makita ang suot na singsing sa kaniyang kamay. Ang singsing na tanda ng kanilang pagiisang dibdib ni Frix. Kinagat niya ang ibabang labi nang sumugid ang kirot sa kaniyang puso. Pinilit niyang lumunok kahit pa tila may batong nakabara sa lalamunan niya. Ang ulo niya, masakit na rin. Ang

