CHAPTER 36 NAGISING SI Antheia na masakit ang katawan lalo na ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Kinapa niya ang kaniyang tabi, wala si Frix doon. Napadilat siya at napaisip kung nasaan ang asawa. Natigilan siya. Asawa. Mabilis na nag-init ang kaniyang pisngi nang maalala ang nangyari noong nakaraang gabi. Awtomatikong gumuhit ang isang ngiti sa labi niya nang muling pumasok sa isip niya ang ginawa nila ni Frix. Kaniyang dinukdok ang mukha sa kumot saka doon nilabas lahat ng kilig sayang nararamdaman. Ngunit napawi ang ngiti niyang iyon nang sumugid ang kirot mula sa kaniyang p********e. Mahapdi iyon at pakiramdam niya ay namamaga. Pati ang kaniyang mga hita at binti ay makirot. Hindi niya yata kakayanin ang tumayo. Kaunting kilos lang napapangiwi na siya talaga. H

