CHAPTER 35 MASAMA ang loob ni Hera kinabukasan nang magising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi niya nga namalayan na alas tres na pala ng hapon iyon kung hindi niya pa tingnan sa digital clock sa kaniyang cellphone ang kasalukuyang oras ngayon. Only to find out na iniwan siya ng lalaking kasiping niya kagabi at inalayan niya ng kaniyang unang beses. At ngayon ay naghihimutok siya sa galit nang mapagtanto kung gaano siya katanga. Bakit niya ibinigay ang perlas ng silanganan sa lalaking iyon, eh, hindi naman sila? Wala naman silang relasyon, wala namang namamagitan sa kanilang dalawa kundi ang katotohanang matalik silang magkaiba at naging kasintahan niya ito noon. Bukod doon ay wala na. Kaya hindi niya lubos maisip na nagpadala siya sa epekto ng traydor na alak at bugs

