CHAPTER 33 MASIGABONG palakpakan ang pumailanlang sa buong espasyo ng nirentahang lugar kung saan ginaganap ngayon ang reception ng bagong kasal na sina Mr. Frix Torrelba at Mrs. Antheia Cuevas Torrelba. Wala na ang mag-asawa sa lugar na ito dahil kinailangan na nilang magtungo sa hotel kung saan gaganapin ang kanilang honeymoon. Samantala, naiwan naman ang ilang mga bisita upang ipagpatuloy ang kasiyahan. Ang ibang mga kaibigan nina Antheia ay umuwi na dahil sa kani-kaniyang personal na rason at ang iba naman ay sinusulit ang alak sa pagdiriwang na ito. Isa na rito si Hera— ang kaibigan ng bride. Mula nang mag-umpisa ang party ay umiinom siya ng alak. Hanggang ngayon ay umiinom pa rin siya. Tila nga ginawa na niyang tubig ang mapait na alak. Ni hindi na niya nalalasan ang pa

