CHAPTER 39 MASAKIT ANG ulo ni Antheia nang magising siya kinabukasan. Nasa kama niya siya nakahiga dito sa kaniyang apartment niya. Hindi niya matandaan kung paano siya nakauwi. Pinilit niya alamin kung ano ang huling naaalala niya ngunit sumakit lang ang kaniyang ulo sa pagpipilit na mapaisip. Parang ang bigat ng kaniyang ulo. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang makitang napalitan na rin ang damit niyang suot. Kaagad siyang napayakap sa sarili. Napalunok siya nang maalalang may naghubad ng kaniyang damit noong nakaraang gabi nang uminom sila ni Levy.. Inisip niyang mabuti kung sino ang tanong naghubad sa kaniya at nagbihis. Napatakip siya ng bibig nang maisip na baka si Levy. Ngunit kaagad siyang umiling. “Hindi. Hindi pwedeng si Levy iyon.” Ginulo niya ang buhok saka da

