CHAPTER 40 DOON MUNA sa apartment ni Antheia nagpalipas ng gabi sina Antheia at Frix. At masasabi niyang hindi naman talaga sila natulog dahil magdamag nilang inangkin ang isa’t isa. Buong gabi nilang pinadama ang pagmamahal nila at napatunayan niyang mahal nga siya talaga ng asawa. Wala na siyang pagdududa pa roon. Kaya naman nang magising siya kinabukasan ay damang-dama niya kaagad ang sakit ng kaniyang p********e. Pakiramdam niya ay namamaga iyon dahil sa sobrang gamit ni Frix kagabi. Sumilay ang ngiti sa labi ni Antheia nang mapagtanto niyang nakaunan ang ulo niya sa braso ng asawa na natutulog pa rin hanggang ngayon. Nakahubad ang kanilang mga katawan at tanging ang putting kumot lang ang nakabalot sa katawan nila. Pipihit sana siya paharap dito ngunit humigpit ang yakap

