Minsan naiisip ko bakit ba sumisikat ang araw? Bakit naulan? Bakit ako nahinga, bakit parang ako ang palaging bida? Bakit parang sakin sumisentro ang mundo. Totoo kayang may mga ibang tao sa ibang mundo, totoo kayang may bampira, totoo kaya ang witch, na kung may kapangyarihan ba talaga.
Nakakainis kasi sa lahat ng tanong ko ni isa wala akong masagot. Dumarating sa punto na sumusuko nalang ako sa mga tanong ko. Frustrated ako sa buhay ko, sa ingay ng kapitbahay, sa kunsitidor na step sister ko at sa ingay ng pamangkin ko na ubod ng sutil.
Nakakaiyak kasi kahit gusto mo ng suntukin pero di mo magawa, ang nakakaasar pa doon kahit mali na ginagawa nung bata kinakampihan parin ng magaling niyang nanay.
Ako na siguro ang taong puno ng tanong at problema. Di kaya isa nakong baliw? O kaya Psycho? Sometimes I wonder life six feet below the ground even in heaven, naiisip ko kung may buhay paba doon. That's how weird I was. Thinking those stupid things made me realize that my mind really capable of thinking out of this world things.
"Stella!! Bumaba kana nga dito! Bwesit ka talagang bata ka! Tanghali na di kapa rin nakakaluto! Put*** i** ka talaga ke tamad tamad mong palamunin ka!" halos tumalon ako sa sobrang gulat sa sigaw ni tiya Brena.
Dali dali akong tumayo sa kama ko, nawala tuloy yung pagmumuni muni ko. Bwesit! Siya ang ikalawang asawa ni Papa, pero dahil dalawang taon na siyang patay ay nagtitiis ako sa bibig ng aking tiyahin.
Ako nga pala si Catalina Darina Stella Crevier, 20 years old. Iyon muna sa ngayon dahil rinig ko na ang sigaw ni tiya.
Nasa may unang baitang palang ako rinig ko na ang iyak ng anak ni Fabetta. Anak ni tiya sa unang asawa, mas matanda ito ng limang taon sakin. Never akong tatawag ng ate sakanya dahil unang una hindi ko naman siya kapatid.
Tamang tama naman at nalingunan ako ni tiya kaya madali kong binaybay ang hagdanan.
"Oh buti at nagising kanang bata ka! Napaka tamad mo talaga hindi ko alam ang gagawin ko sayo! Bwesit talagang buhay ito!" litanya niya. Hindi nalang ako umimik, dahil kapag ginawa ko iyon magsasagutan na naman kami.
"Oh! Sulat para sayo! Ewan ko kung anong nasa loob niyan, hindi ko naman mabuksan. Put*** i** niyan!" pabalang niyang hinagis yung papel kaya hinabol ko ito na hindi bumulusok sa sahig.
"Hoo, buti nalang hindi ka nahulog." bulong ko. Sapo sapo ang papel na nasa may bandang dibdib ko dahil sa paghabol ko.
Isa itong itim na sulat na may naka engrave na gold seal sa gitna, ano kayang sinasabi ni tiya na hindi niya mabuksan? Hinawakan ko yung seal at dahan dahan iyong tinanggal, nagtataka naman akong napalingon kay tiya, anong di mabuksan eh kay dali nga lang. Sipain ko 'tong si tiya eh.
"Oh akalain mo! Nabuksan siya ng ganon ganon lang?! Bakit tayo kanina halos masira na natin yung papel pero di talaga mabuksan!" pasikla niyang sabi. Pero hindi iyon ang concern ko, dahil itong sulat na ito ang pinagaalala ko, nakaramdam ako ng matinding kaba para bang nakaka excite na ewan o baka naiihi lang ako. Hmm? mas bet ko yung ikalawa.
"Ano pang tinutunga-nga mo diyan Stella?! Basahin muna ng malaman na natin kung ano yung nasa loob niyan!" bakas sa mata ni tiya ang pagka excite as if namang may pera dito.
Huminga ako ng malalim bago unti unting binubuklat ang nasabing sulat, abo't abot talaga ang kaba ko, hindi ko naman alam kung bakit.
I bit my lower lip.
Napatulala lang ako sa sulat, hindi parin mag sink-in sa isip ko ang nabasa ko.
"Anong sabi? Ha?! Ano?" usisa ni tiya.
Ngumisi ako rito bilang sagot, alam kong once na sinabi ko ito sakanya ay paniguradong magtatalon ito sa tuwa at baka magpa party pa.
Pero joke lang yung magpa party, sa kuripot ba naman nito. Sus, asa pa kayo. ASA. Kung pwede lang mapunit na yung labi ko kakangisi napunit na, Wohoooo! shet gusto kong magpaulam ng yelo ngayon. Hahaha! Thank you Lord, napaka bait mo talaga sakin, nakuuuuu! Sinasabi ko na nga ba at mahal na mahal mo ko eh! Huehue! I'm so tatch!
"Isa ako sa exchange student na napili ng school ko, kaya aalis na ako dito sa bukas. Libre na daw lahat at wala ng gagastusin pang iba, dun narin ako titira sa dorm ng bago kong school." sagot ko.
Totoo naman, iyon ang sabi sa sulat. Ewan ko nga pero nakakapagtaka na initials lang ng school yung nakalagay dito. V.K.S.
Ayan lang, medyo na curious naman ako sa school na yun, tska huehue. Nagpapasalamat talaga ako sa school ko at ako ang napili, gusto ko silang sambahin at halikan sa paa. Hindi nila alam kung paano nila ako napasaya para tuloy gusto ko ng maglumpasay at gumulong gulong dito ngayon. Napaka laking relief sakin nito. O mygosh!
"Aba't kung sinuswerte ka nga naman oh! Aalis kana rin dito! Aba, aba! Napaka gandang balita niyan, oh siya mag ipake kana ngayon at wag ng babalik dito! Palamunim kalang din naman kaya mas mabuti ng lumayas kana dito! Hala umakyat kana dun at magimapake!" Oha! Oha! Sabi ko sainyo, pabor pa yan. Ano ba kayo, wala tayo sa story na magagalit yung stepmom kasi ayaw niyang mawalan ng utusan, ibahin niyo si tiya. Mas bet pa niya yun ang dahilan niya kasi makakanya narin itong bahay. Wala akong pakialam sa pinaglaban niya ang mahalaga sakin ngayon ay makalayo na sa impyernong ito.
"Sus, pinatagal mo pa yung pag-alis! Tss!" sabay irap sakin ni Fabetta.
Dukitin ko malalaking mong mata eh! Bwesit! Wag siyang mag-alala aalis narin ako kaya wag excited! Bigwasan ko siya eh! Grr! Inirapan ko rin ito pabalik, anong akala niya papatalo ako? Asa dude. ASA.
Tinalikuran ko na sila at masayang umakyat muli ng kwarto. Yuhohohohoho! Ang saya saya ko! Harhar! Pagka pasok ko sa kwarto ay nagtatalon ako sa sobrang tuwa!
"YEEESSSS! WHAHAHAHAHAHAHA! I'M FREEEEEEEE!" malakas kong sigaw sabay talon padapa sa kama.
Yes! Salamat sa lahat ng santo! Huehue! Kay tagal tagal ko ng pinangarap na makaalis dito, swear. Di ko na nga mabilang kung ilang beses nakong naglakad ng paluhod sa simbahan para lang makaalis nako dito.
At salamat talaga dahil dininig narin ang panalangin ko. Salamat dyos ko. Mas pabor sakin ang pag alis ko dahil wala naman akong kaibigan dun sa school, bukod sa scholar ako dun ay wala talagang mamansin sakin dun kasi halos puro mayayaman ang nagaaral doon.
Tumihaya ako, eto naba ang simula ng bagong buhay na sinasabi sakin ni itay? Na kapag dumating ako sa bente doon na darating ang biyaya sakin? Woah! Fortune teller ba si itay? Hihihi! Amazing!
Sana talaga maging maayos ang pagpasok ko sa bago kong eskwelahan. Sana talaga...
NAGISING ako ng parang may malamig na hangin na dumampi sa pisngi ko. Dali kong iminulat ang mata ko pero tanging ako lang ang andoon sa loob ng kwarto, walang iba. Napatingin ako sa binta ko na bukas, sa pagkakaalam ko naka sarado iyon kanina, hmm. Baka naman binuksan ko? o kaya si Bonzo na naman ng nagbukas, napaka pakialamero talaga ng batang yun! Nakaka asar! Kung pwede ko lang pektusan yun ginagwa ko na eh! Nakakaasar!
Umupo ako saka kinusot yung mata ko, kakagising ko lang pero badtrip na agad ako sa mga kalahi ni satanas.
I sighed.
Napatitig ako sa oras, alas sais na ng hapon. Mahaba haba narin pala yung tinulog ko, pero seryoso? Mula alas alas onse hanggang alas sais? Really?
Napailing nalang ako, grabe talaga ako matulog, kaya kong matulong buong araw. Totoo yun, di ko nga alam pero kaya ko talaga. Minsan nga nakukulangan pako eh, hahaha! Eh bakit na sa inaantok ako eh. Walang basagan ng trip dude.
BRRRRR...
Napahawak ako sa tiyan ko, di pa pala ako nakain ng tanghalian. Huehue, tumayo na ako para makakakain at ng makapagsimula na akong magligpit ng gamit ko.
Pagkalabas ko palang ay sumalubong na agad sakin ang simoy ng hangin ng katahimikan, aba anong himala at wala akong naririnig na kahit anong ingay mula kay Bonzo at sa nanay niyang malaking mata.
Pagkababa ko ay bumungad sakin ang tahimik na sala, mukhang namasyal na naman ang pamilya ng satanas, nakagawian na nila iyon so hindi nako magtataka. Dumiretso na ako sa kusina para magluto ng itlog, iyon lang kasi ang madaling lutuin at sigurado akong walang kahit anong iniwan na pagkain ang mga iyon. Nag umpisa na akong magluto.
Napahawak ako sa tiyan ko, haay! Ang sarap talagang kumain lalo na kapag gutom ka. Hehe! Napadami kasi yung kain ko eh, aba natural hindi ako nag tanghalian kaya understood nayun.
Muli akong umakyat sa kwarto pagkatapos kung maghugas ng pinggan, oras na para mag-ayos ng gamit at damit ko. As if namang napaka dami kong damit. Tss.
Inihanda ko na yung maletang gagamitin ko, bigay ito sakin ni itay noon, sabi niya ito daw gamitin ko kapag dumating na yung blessing na sinasabi niya. Ewan ko nga dun kay tatay kung bakit ganon sinasabi niya eh, baka nga talaga may lahi kaming fortune teller. Nahuhulaan yung mangyayari sa hinaraharap. Hihihi! Just kidding.
NAPASANDAL ako sa pader, sa wakas tapos narin ako mag-ayos ng gamit, takte kahit pala di kadamihan yung damit ko mahirap padin mag impake. Napapunas ako ng pawis sa noo ko, bukas na mismo ang alis ko pero dadaan muna ako sa school para kuhain yung mga gamit na kasama sa privilege ng pagiging exchange student ko. Shala talaga, nabalitaan ko narin yung chismis na meron ngang napipili na exchange student sa school. Ang swerte ko talaga dahil ako ang napili, after ilang taon ng pagbabakasali ayun, napili narin ako. At kung tinatanong niyo ko kung anong year ko na, 3rd year palang. Nag stop kasi ako nung namatay si itay dala ng wala nakong pang gastos sa school kaya napilitan akong huminto, oh diba pang kwento sa libro yung buhay ko. Pero kung iisipin mo, di lang pala sa libro ang may ganito kundi pati narin sa totoong buhay, kasi you will never know kung ano ba yung nasa libro at nasa reality.
Napabuntong hinga ako. Masdo talagang malalim ang mga naiisip ko, like duuh! Eto ata ang napapala ng itlog eh, hahaha! Sabi nila nakakabobo yun? Eh bakit parag tumalino ako. Char lang. Hehehe.
Tumayo na ako para makatulog na, hindi nako bababa para di ko na makita yung pamilyang stanas. Baka mapurnada pa pagalis ko eh. Tska mukhang wala parin sila, alas otcho palang kasi. Kalimitan nadating yun nga alas dyis, kaya bahala sila. Matutulog na ako.
Sa na sumandal ang likod ko sa kama ay iyon narin ang naging hudyat ng pagsara ng talukap ng mata ko.
To be continued...