Kabanata 2

1670 Words
BLAG...BLAG... Napabalikwas ako sa kama, sabay lingon sa kaliwa at kanan. Nanlalaki ang mata ko sa gulat, putspa anong meron? "Hoy Stella bumangon kana diyan! Ngayon na diba yung alis mo?! Aba dalian muna at kating kati nakong makaalis ka dito! Gumising kana diyan!" BLAG...BLAG... Pagkatapos ng litanya ni tiya ay umalis narin ito, huminga ako ng malalim upang pigilan ang pagsuntok sa magaling kong tiya. Anak ng pitumpu't! Napasabunot ako bigla sa buhok ko, huminga ako ng malalim bago tuluyang tumayo, nagpunas ako ng muta at laway sa bibig ko. Kaya gustong gusto ko ng lumayas ba bahay na ito! Nakakaasar! Nakakabwesit! Tuwing umaga nalang laging ganito! Minsan hinihiling ko na sana mapaos si tiya pang habambuhay ng hindi na makasigaw pa. Nakakaurat talaga! Sa inis ko ay dumiretso ako ng banyo ng makaligo, alas sais y medya palang alas otso ako pinapapunta sa school. Eh mukhang atat ang siraulo kong tiyahin kaya ayan, ke aga aga nangbubulahaw! Nakabihis na ako at naka handa narin ang maleta na dadalhin ko. Ibinaba ko na ito sa sala, kaharap ko na si tiya ngayon na abot tenga ang ngiti. Ang sarap mong bungiang matanda ka. Bwesit. "Oh, umalis kana ano pang hinihintay mo diyan?" nakapang meywang na sabi niya. I make face, saka binuhat ang maleta ko. Naglakad nako paalis ng huminto ako sa tapat ng pinto. "Salamat sa pagpapatira, mag-iingat ho kayo." sabi ko ng di lumilingon. Kahit na hindi maganda ang ginawa nila sakin ay mas maganda naring magpasalamat ako para kahit paano ay wala silang masabi na kahit ano. Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot nila o ni tiya, ang mahalaga ay nakapagpasalamat nako. Sa pagtapak ko sa labas ng bahay ay siyang pagharap ko sa katotohanan na...MALAYA NAKO! YOHOHOHOHO! I walked with poise and elegance, naks lakas maka elegante kala mo mayaman. HAHAHA! Pumara ako ng dyip para sumakay, isang back pack at maleta lang naman ang dala ko kaya walang problema tska may pera pa naman akong ipon kaya alam kong hindi ako kakapusin. Walang mapaglagyan ang kasiyahan ko, para akong nanalo sa lotto (though I wish na manalo sana talaga ako, eh kaso di ako nataya kaya malabo) halos lahat ng taong makita ko sa dyip ay nginingitian ko miski palaboy all smile ako. Hanggang sa matanaw ko na ang school ko. "Manong para ho!" sigaw ko sa driver. Mabilis akong bumama at tinahak ang nasabing eskwelahan, dito di na kailangan ng ID o ano mang ka echusan, itapat mo lang thumb mark mo at viola! Makakapasok at kilala kana, kasi registered lahat ng estudyante dito, kaya kilala agad nila ang students kahit walang ID. Pagkapasok ko ay tumambad agad sakin ang engrandeng entrance ng school, minsan sa sobrang laki nito di na kapanipaniwala eh. Pero hindi na ito ang main concern ko kundi ang dean's office. Agad akong dumiretso doon, nasa may bungad lang naman kaya madaling puntahan, nasa may tapat na ako ng makaramdam ako ng kakaibang pangingilabot. Napalunok ako bigla. Kakatok naba ako? Kakatok na sana ako ng may magsalita sa loob. "Come in Ms. Crevier." utos ng tao mula sa loob, nahinto tuloy sa ere yung kamay ko kaya ibinaba ko na iyon at binuksan ang pintuan. Sumilip ako sa may pinto bago tuluyang pumasok. Nakatalikod si dean, pero pano niya kaya nalaman na nasa may labas niya ako? Hmm...lakas pakiramdam ni dean ah. Astig! "Magandang umaga Ms. Crevier." umikot na ang swivel chair nito. At halos maghugis puso ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Shet ang pogi ni dean. Huehue. Pwede ko kayang ligawan si Sir? Hahaha. Kidding. Tumikhim si Sir kaya doon ako natauhan. Nakayuko akong bumati. "Magandang umaga din po Dean." Isang mahabang katahimikam ang namayani saming dalawa, kaya dahan dahan akong nag-angat ng tingin. Pero dapat pala hindi ko nalang iyon ginagawa dahil mariin itong nakatitig sakin. Napalunok ako bigla. Shet sir wag kang ganyan at baka magahasa kita. Hihihi. "Sir?" tawag ko rito. Ngumiti naman ito bilang tugon sakin. Damn ang gwapooo...shetness lang. "Alam mo na siguro na ikaw ang exchange student na ipapadala sa Von Knight School diba?" tumango ako dito. So Von Knight School pala ang ibig sabihin ng V.K.S na initials nayun. Daming alam, Von Knight lang pala. Sus. "Nakapagpaalam kana ng maayos sa pamilya mo?" "Opo sir, okay naman sakanila tska wala namang paki si tiya, tuwang tuwa pa nga eh...Tss."pabulong kong sagot sa may dulo. Nabigla naman ako ng bigla itong tumawa. Napakunot yung noo ko, eeh? Anong meron at bakit siya bigla tumawa? May sinabi ba akong nakakatawa? As far as I remember wala naman. Aha! Di kaya may sapak na itong si dean? Nyhohohoho. Joke lang. He stop laughing and stared at me with full of amusement in his eyes. "Okay, so it is settled then? Here's your things you might needed in your new school." itinuro nito ang box sa may gilid niya kaya madali ko iyong pinuntahan. Katulad nung sulat kulay black din iyon na may gold sa may gitna, di ko naman maintindihan kung ano iyon kaya di ko nalang pinansin. Binuksan ko ang nasabing box, meron doong mga libro at kung ano anong bagong notebook o journal. Wala silang uniform gaya dito sa dati kong paaralan, mas gusto ko ung walang uniform kasi madaling kumupas ung damit at kung tumaba ka, magpapa adjust na naman ulit. Di kaya mas mayamam ang V.K.S kesa dito? Maari iyon. Kung magtatanong kayo, as usual may itim na medyas na hanggang ibaba ng tuhod. Tinignan ko pa ang ibang nakalagay doon, may mga libro, iyon lang naman ang napansin ko bukod sa balabal na itim at pula. Siguro kapag malamig iyon ang ginagamit nila, di naman naulan dito ng snow kaya imposibleng para sa tag snow iyon. "Are you done checking it? And last thing about pala sa mga rules at questions mo doon, sila na ang bahalang magpaliwanag sayo once you arrived there. Understand?" "Yes, dean." isinarado ko ng muli yung box at binuhat iyon. Damn medyo may kabigatan pala ito? Huehue. "So...Goodluck and have a safe trip Ms. Crevier." ngumiti ito sakin. Ngumiti rin ako pabalik. "Maraming salamat po dean." tumango tango ito at tumayo. "Nasa labas na ang sundo mo, maari kanang umalis." tumango akong muli. Medyo napaghahalata ko na napapadalas ying pagtango ko ah. Hehe. Eh sa nakaka speechless naman talaga kasi ang kagwapuhan ni dean. Muntikan na ngang mahulog panty ko eh. Hehehe. Lumabas na ako ng opisina niya, nang may biglang sumulpot sa tabi ko. "Magandang umaga binibini, ibigay niyo na ho sakin ang inyong bagahe." paatras akong tumalon sapo sapo ang aking dibdib, swear muntikan ko ng maibato sakanya yung box na dala ko, buti nalang iniwan ko dito sa labas yung maleta ko. Binalingan ko siya pero my jaw literally dropped. A gorgeous man standing beside me, halos tumulo ang laway ko. "Binibini?" untag niya. Doon ako bumalik sa wisyo ko. "Ha?" ngumiti naman ito sakin na para bang may nakakatawa akong ginawa. "Maari na po tayong umalis." tumango ako saka sumunod rito, di ko mapigilang hindi mamangha sa lakaking ito, para kasi siyang wax na halos lahat ng angle ay perpekto, ni wala kang mapipintas. Nakakainis talaga ang kagwapuhan niya, di kaya artista siya? "Artista kaya siya?" bulong na tanong ko. Pero napa atras naman ako ng bigla itong huminto sa paglalakad. Narinig ba niya sinabi ko? eh ang layo kaya ng agwat namin. "Ah, teka bakit po kayo tumigil? May problema ba?" pagtatanong ko saka tinakbo ang distansya naming dalawa, nasa may harap na ako nito. Walang kahit anong mababakas sa mukha niya, poker face ba. Tumaas ang kilay ko ng hindi ako nito sagutin. "Wala ho, binibini." magalang niyang sagot sakin, kahit na nagdududa ay napatango nalang ako. Baka talagang huminto siya para magkasabay kami. Hmm...siguro nga. Sabay na kaming naglakad at talaga namang hindi siya palasalita, at ayoko din namang mag tanong kasi baka sabihin niya FC ako. Tska ngayon ko lang napansin na parang walang estudyante ngayon o baka nasa classroom na, iba kasi ang opisina ng dean kesa sa mga classroom ng estudyante eh. Siguro nga ganon, bigla tuloy akong na excite na bago kong eskwelahan. Ha! Kung tinatanong niyo ako ang kurso ko ay BSBA! Kahit wala kaming business okay lang atleast maari kong mapayaman ang sarili ko, diba diba? Pagkalabas namin ng gate ng school ay may nakaparadang itim na mini bus. Teka diyan ba ako sasakay? Napatingin ako sa katabi ko pero dumiretso lang ito ng lakad papunta sa bus. "Gara naman ng sasakyang ito. Edi wow!" kung kumikinang lang talaga yung mata ko kuminang na eh. Ang gara kasi talaga, may naka sulat pa sa gilid ng bus. Von Knight School, actually naka engrave siya doon sa bus, at as usual kulay gold na naman. Itinagilid ko ang ulo ko ng may mapansin akong logo niya, isang itim na rosas na may kasamang punyal, bale naka ekis silang dalawa tapos may yung background nila ay bungo. Edi wow, ang creepy naman ng logo nila. Medyo nakaka intimidate. "Binibini maari na ho tayong umalis." napakurap ako ng tatlong beses, how the hell did he gets there? Sa pagkakaalam ko, nasa loob na siya ng bus. Bahagya akong napaatras bago kinunot yung noo ko. Wala namang mababakas na kahit ano sa mukha nito, nakatingin lang ito sakin na para bang sinusuri ang pagkatao ko. I'm about to say a word ng umihip ang napaka lakas na hangin. At pag sinabi kong HANGIN, HANGIN. Napatakip ako ng mata ko sa sobrang lakas nito, sa pagihip ng hangin kasabay nitong umihip ang mga alikabok ng lupa. Badtrip naman oh! Kinusot kusot ko yung mata ko, napasukan ata ng alikabok eh. Bwesit talaga. "Aish! Nakakainis talaga! Bakit ba kasi humangin ng malakas!" maktol ko. Nakakaasar kasi eh, parang nakakaloko. Grr! Inayos ko ang sarili ko at pinagpagan pero bago pako makaangat ng tingin bigla nalang nanlabo ang mata ko, parang nahilo ako. And the next I knew...I passed out. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD