May kung anong pumatak sa mata ko kaya dahan dahan ko itong iminulat. Doon ko napagtantong nasa loob na ako ng bus. Naguguluhan akong tumayo, teka? Sa pagkakaalam ko nasa labas pa ako ng school at...at...putspa bakit wala akong maalala? Sumakay ba talaga ako dito? Siguro nga kasi andito na ako nakaupo. Muli kong ibinalik ang pagkakaupo ko saka hinawakan ang mata ko. Napatingin ako sa kisame, andoon yung aircon baka natuluan ako. Shiz.
Napalingon ako sa kanang bahagi ko kung saan ang bintana, tanaw na tanaw mo ang dinaraanan, hinawakan ng hintuturo ko ang salamin nito bago pinadausdos pababa, nagkaroon naman linya kaya natuwa ako. Sa sobrang lakas ng ulan nagka fog na ang salamin, teka? Kanina paba ako dito? Iniusli ko ang aking ulo para alamin kung may tao ba akong pwedeng pagtanungan.
"May tao kaya dito?" pero sa pagkakataon ay wala akong naaninag na kahit sino. Napanguso ako, ang boring naman. Sus.
Muli kong isinandal ang ulo ko sa headrest ng upuan, ako lang dito, walang makakausap na kahit sino. Haay! Ano ba naman yan.
Muli kong ibinalik ang tingin sa labas ng bintana, malamang kanina pako dito, halata naman sa panahon eh. Isinandal ko ang aking ulo sa salamin ng bintana. Matutulog nalang siguro ako ulit.
Sana antukin na ako dahil parang malayo pa ang byahe, unti unti nakong nilamon ng antok...
NAGISING ako mula sa kaluskos sa paligid kaya awtomatiko akong napamulat, inilibot ko ang paningin ko pero katulad ng dati ganon parin. Walang tao...
I sighed.
Napaalerto ako ng bigla kaming huminto, sinipat ko ang bintana pero sobrang dilim kaya wala rin akong makita. Madilim...madilim? Nanlaki bigla yung mata ko, pakshet gabi na? Hinawakan ko yung salamin ng bus, totoo nga. Gabi na, tska bakit parang nasa gitna kami ng gubat?
Napataas yung kilay ko.
"Binibining Crevier andito na po tayo." napahawak ako sa dibdib ko, putcha bakit ba bigla bigla nalang itong sumusulpot.
"Ginulat niyo po ako!" sabi ko. Nagulat naman ako ng bigla itong nag bow sakin.
"Ipagpatawad niyo po Binibini. Hindi na iyon mauulit." na guilty naman daw ako, ngumuwi ako bigla. Bakit kailangan pang may bow? Ang sosyal naman parang nasa sinauna kaming panahon. HIHIHI.
Napakunot yung noo ko ng naka bow parin siya. Ano bang dapat kong sabihin? Ah bahala na nga.
"Okay lang ho iyon, magugulatin lang po talaga ako." doon na ito nag-angat ng tingin. Ewan ko pero parang may kung ano sakanya, di ko lang ma figure out.
"Maari na ho tayong bumaba." umatras ito para bigyan ako ng daan, kahit na naguguluhan ako sa kilos niya ay lumabas na ako sa pwesto ko. Ganito ba talaga kilos ng mga tao dito? Masdong pormal, nakakabaliw. Grabe lang.
Pagkababa ko ng bus ay halos manginig yung tuhod ko, am I dreaming? Totoo ba itong nakikita ko? Hindi ba ako nanaginip? Shet, para akong nasa ibang dimensyon! Napaka laking eskwelahan naman nito, yung nasa harap ko ngayon na building parang kasing laki ng palasyo ng malacañang, edi wow! Bungad palang itong nakikita ko, pano pa kaya yung kabuuan na, baka naman maligaw ako.
"Ah...ano!" pakshet pano ko ba tatanungin pangalan nito? Tsk!
"Theodore Vornholt, binibini." nakangiting sabi niya sakin. At sa wakas, nakangiti narin siya. Grabe ang gwapo. Kuya can you be my pureber coz I wanma be with you eber. Hahaha, chikaness lang.
So, Theodore pala name niya, gusto ko talaga yung name na Theodore, lakas maka gentleman eh, pero ngayon ko lang na prove na totoo nga, likas nga na gentleman ang may mga name nun.
"T-theodore, eto ba talaga yung Von Knight Academy?" I asked without looking at him.
"Ang nakikita niyo po ngayon ay ang mansion ng may-ari ng eskwelahan. Nasa kabila pa po ang V.K.S kaya sasakay tayong muli para makapunta sa eskwelahan." sagot niya. Nanlalaki ang mata kong humarap sakanya. Did I heard it right?
"So...you mean hindi pa talaga ito ang school?!" I exclaimed. He nod as answer.
Ashskdhdjskxfddj--don't tell me may mas ilalaki pa ang Von Knight School? The heck?!
Nakangiwing tumingin ako kay Theodore, poker face naman ito.
"Halika na ho kayo." walang sali-salita ay nagpatiuna na ako. Ewan ko pero parang may enerhiyang humihila sakin papasok sa loob. Yung tipong parang may nagsasabi sakin na pumasok na ako at maraming naghihintay sakin doon. Ganon yung feeling na nararamdaman ko.
Sa bawat paghakbang ko papasok sa nasabing paaralan ay kakaibang tensyon na pumapaloob sa pagkatao ko, para bang I really belong here. That tingling feeling running to my veins, its too powerful. Nakakapaso, nakakagitatal.
I sighed.
Maybe I was too fascinating with this place kaya ganito ang nararamdaman ko.
Nasa tapat na ako ng napaka laking gate ng kusa itong bumukas, automatic siguro kaya kusang bumukas. Pero shala talaga, nakakainis. Parang feeling ko lahat ng bagay dito puro hi-tech. Nasa may gilid ko si Theo, okay may nickname na siya. Masdo kasing mahaba kung Theodore. Okay back to the topic, so I was saying na nasa gilid ko siya. Tahimik as usual wearing his serious face. Required din ba na maging serious face ako? Eeh? Siguro nga, mula pa kanina ganyan na siya eh, kaya dapat ko narin sigurong magseryoso.
I started to compose myself and my serious face. I need to go with the flow, lalo na at bago pa ako dito.
Sa mismong pagtapak namin sa harap ng napakalaking mansyon ay siya ring pagdampi ng nakakakilabot na hangin samin. I shivered but that's not my concern, its the place and the aura itself.
I accidentally step backward. It was odd to think that I'm here. Should I run away? that was my feeling right now. Indeed.
"Pumasok na tayo binibini." and with that, I walked like I'm wearing a 10 pound metal in my feet, too heavy to took a step.
As I enter the palace, my eyes widen while my mouth hang in disbelief. Para akong pumasok sa palasyo ng mga hari at reyna, they have huge paintings in every corner of the house, not that simple painting but really worth a million in every piece. Sa tingin ko, ilang daang taon na ang tanda nito base on its structure.
Napatingin ako sa sahig na tinatapakan ko, a very expensive floor with a elegant red carpet on it. Old huge vases are everywhere, tables na akma sa tema ng bahay, para kang nasa palasyo ng dugong bughaw.
Napatingin ako sa itaas, at doon ko napansin ang multi-million chandeliers na halos ilang talampakan ang taas, miski yung ceiling nila na halos hindi ko marurok. Naks, marurok talaga. But its true words aren't enough to describe this place, it's too enchanting.
Sa kabuuan ay naghahalo ang kulay ng pula at itim, though that two colors seems to be too dark but the whole place were awesome, hindi ko alam na kapag ang dalawang kulay na iyon ay pinagsama magiging ganito pala ka elegante tignan.
Theo stops so I did, sinundan ko ang tinitignan niya at napako ang mata ko sa isang grand staircase purely made of black. Napalunok ako bigla, nakaka intimidate yung kulay niya miski yung presensya ng staircase na iyon. This house creeps me out, showing how powerful the owner is, it screams death and arrogance to the extent that all you can do is to kneel and show respect.
Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng yabag na pababa, I swallow hard hearing those eerie sound.
I gasped air as a awesomely fearless man showed up. I bet he's in mid 30's, he possessed great confidence and personal power. He stops in mid staircase while his hands on his back.
Napatingin siya kay Theo na nag bow katulad ng ginawa nito kanina sakanya.
"Magandang gabi, Lord Corwin." bati ni Theo. Nakayuko parin ito kaya ginaya ko nalang din.
"Magandang gabi din po. L-lord Corwin." paggagaya ko. Lumunok muna ako at napapikit sa kaba. My heart pounding fast.
I heard a soothing yet dangerous laugh. Mas lalo akong nanginig sa narinig, feeling ko iyon ang boses ng sundo ni kamatayan. A frigid one, there's no trace of happiness.
"Masdo namang pormal ang pagbati mo Theodore, kaya pati ang ating panauhin ay nahahawa na. Don't bow your head mi-lady, look at me." by hearing those words awtomatik akong napatingin dito. At parang gusto kong pagsisihan na nag-angat ako ng tingin.
The man in front of me is a like a living maniquin. Those pair of deep dark black eyes envelopes my soul. Yung tipong kapag tinignan ka niya he's looking down to your soul, or the right term is captivating your soul.
"That's right mi-lady." bakit kahit ang pagtawag niya sakin ng mi-lady parang ang sarap pakinggan.
"Salem." halos sabay kaming napalingon ng dumating ang isang lalaki mula sa may gilid ko. Napaatras ako kay Theo sa gulat.
Pero kagaya ng naging reaksyon ko sa tinatawag na Corwin mas doble ang nararamdaman ko sa lalaking nasa harap ko.
"Magand--" huminto naman si Theo sa kung anong sasabihin ng itaas ng lalaking nasa harap ng balingan siya nito.
I gulped hard.
"You're finally here KED." napatitig ako sa lalaking tinawag na KED ni Corwin. He's younger kesa sa isa at may pagakakahawig sila. Magkapatid ba ang dalawang ito?
He's more dangerous kesa kay Corwin, he has a pair of blue eyes, mahahaba ang pilik mata, may matangos na ilong, perfect angle na panga at mapupulang labi. Sa tindig nito masasabi mo talagang galing sa may kaya na pamilya. The way he looks people around him its kinda creepy, as if his telling us that he owns every bits of this place.
He boredly look Corwin with nothing but a serious face.
"Dalhin mo na siya sa dorm niya Theodore." biglang salita ni Corwin kaya napatingin ako sakanya saka ibinalik ang tingin kay Theo, tumango naman ito atsaka nag bow na muli, iginayak na niya ako but I stood still, rooted on the ground. Nakatingin lang ako sa lalaking nasa gilid ko.
"Theodore ihatid mo na siya." paguulit ni Corwin pero mas may diin ang boses nito kesa kanina. Doon ko na naramdaman na hinawakan na ako ni Theo.
"Halika na Binibini, ihahatid na kita sa tutuluyan mo." as if on the cue para akong na hypnotize sa boses ni Theo at napasunod ako sa sinabi nito na umalis. Doon ko lang napagtanto na hinahabol ko ng tingin ang lalaking iyon na nagngangalang KED.
"Sandali." sabay kaming napahinto ni Theo ng marinig namin ang baritong boses na iyon na nakakapagbigay ng kilabot sakin.
Dahan dahan akong lumingon pero hindi ko nalang dapat iyon ginawa...
To be continued...