CHAPTER 16 “Hi kuya! Kagagaling lang namin kila mama at papa, pinakilala ko lang si Sean sa kanila. Ngayon ikaw naman, kuya, boyfriend ko nga pala si Sean.” It’s been a while since I visited my brother and parents, excited pa naman sana ako na balang araw ipakilala ang magiging boyfriend ko sa kanila kaya lang sa ganito pa lang paraan mangyayari. Huminga ako ng malalim. “Kuya, kinakaya ko… kung nung una akala ko mag-isa na lang akong lalaban sa buhay, hindi pala.” Tinignan ko si Sean na naka-akbay sa akin, pinisil pa niya ang balikat ko. “God sent me a person to help me, accompany me, protect me and love me just the way you do.” Tumulo na ang luha ko. He smiled and brushed the tears away. “I promise to stay by your side forever. Hinding hindi kita sasaktan.” He leaned and gave me a qui

