One week had past since the day i saw Light again. Naging mas maingat ako sa mga kinikilos ko, ayoko kasi na muli kaming magkita ng lalaking iyon. Yuki said na hindi malabong muli ko itong makasalubong. One of this day ay baka muli ko itong makita. Pinaghahandaan ko naman na ito kung sakali man, but i don't want to see him again baka kasi mawala na naman ako sa sarili ko. Napatitig ako kay Kiel na mahimbing nang natutulog. Hinatid ito kanina ni Dryle pero umalis rin ito agad, nagtataka lang ako dahil tila lagi itong abala sa nakalipas na araw. Tumayo ako dahil gusto kong uminom ng tubig pero wala na palang bottled water dito sa maliit kong refrigerator. Dahil nakasuot na ako ng pantulog ay kinuha ko ang roba ko at saka ko ito sinuot bago lumabas ng kwarto. Tahimik na ang kabahayan

