Habang naghahapunan kami ay maingay si Yuki at Kari na nag-aaway na naman. They are watching basketball before we eat our dinner at magkaiba sila ng team na sinusuportahan. Kami naman ni Light at Dryle ay tahimik lang at maganang kumakain. Sanay na kami sa dalawang ito na hindi na talaga magkasundo. "Okay sinabi mo, pero huwag kang magagalit kung liligawan ko si Crissy." Biglang sabi ni Yuki na tila sumuko na pero may banat pa na ikinatingin naming lahat dito. "Subukan mo lang baka manghiram ka ng mukha sa aso." Banta naman ni Kari kaya napangiti ako at napatingin dito. "I mean, subukan moang talaga! Empleyado namin siya hindi pwede ang ligawan sa negosyo." Biglang bawi ni Kari kaya maging si Light ay tumawa na rin. Nasabi ko kasi sa kanya na tila magpapaka lalaki na itong si Kari d

