Dalawang linggo na mula nang bumalik sa normal ang lahat. Dryle is more clingy to me and Kiel now, lagi kami nitong pinapasyal. Minsan kasama si Ate Alicia at Jiro, even Kari and Crissy and their kids. Kanina habang nag-aagahan kami ay hindi namin maiwasan na hindi mahalungkat ang tungkol sa nakaraan. "So kung pinirmahan ni Light ang annulment papers niyo three years ago. Malamang mapawalang bisa ang kasal niyo ngayon?" Tanong ni Yuki na kaswal lang na nagtanong sa akin. Napakunot noo ako dahil sa biglaan nitong tanong. "I don't know, all i do is to sign it and send it to him that day." Sabi ko dito pero tila gusto kong mapangiwi dahil sa paraan ng titig ni Dryle. I know naay balak itong mag-propose sa akin, i heard what he said to Ate Alicia when they had conversation two days ago.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


