Hindi pa tapos ang party nang yayain na ako ni Light na umuwi, nauna na rin kasi ang mag-asawang Indigo at Lirabelle kanina pa. Habang pauwi na kami ay hindi ko maiwasan na hindi mag-isip, ang nalaman kong tungkol kay Light ngayong gabi ay hindi maalis sa isip ko. Malinaw ko na narinig ang binangit ng isa sa mga kausap nito kanina. Light indeed a mafia boss, but it's just amazing to know about it. Pero alam ko na mayroon pang mas malalim sa pagkatao nito. Unti-unti ko na talagang natutuklasan kung sino ito, pero alam kaya nito na alam ko na ang tungkol dito? "Ano bang iniisip mo babe?" Tanong ni Light sa akin na kinabig ako payakap sa kanya kaya napatingin ako dito. "Ah, wala naman medyo napagod lang ako ngayong gabi." Bulong ko na lang dito kaya tumango lang ito at niyakap ako ng m

