Maaga akong nagising kinabukasan dahil susunduin namin sa airport si Aunt Mariko. Naligo ako at kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong kumilos, kasalanan ito ng lalaking ito na mahimbing pa ang tulog. Hangang sa makatapos akong maligo at magbihis ay tulog pa rin ito. Nang kunin ko ang cellphone ko ay sakto naman na tumunog ang cellphone ni Light pero mahina lang ito. Nakita ko ang pangalan ng isang lalaki na nasa screen at napakunot ako ng noo. Umupo ako sa harap ng vanity mirror ko at nag-apply lang ng light make-up para matakpan lang ang ilang namumula na bahagi sa pisngi ko na nanggaling sa balbas ni Light. Mayamaya lang ay kumilos na ito at mukhang gising na kaya pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. "Good morning, my beautiful wife." Bati nito kaya napatingin ako dito at

