Pinaupo ko sa sala si Light habang ang anak ko naman ay masayang nakikipagusap dito. Kinabahan ako dahil kakaiba ang titig nito sa anak ko, nahalata kaya niya na magkamukha sila? Pumunta ako ng kusina para maghanda ng maiinom nito, at saka ko nilabas ang cake na dala ko na binigay ni Rosnia kanina. Nag-slice ako ng tatlong bahagi at saka ko nilagay sa platito, at saka ko nilagay sa tray ang mango juice na tinimpla ko lang. Saka ako bumalik sa sala at nang makita ako ni Light ay nakangiti ito pero agad rin na inalis ang ngiti nito. "Ito mag-miryenda ka muna." Sabi ko dito kaya tumango lang ito. "Kiel go to our room first, and change your clothes okay." Sabi ko sa anak ko kaya agad itong tumango at saka napatingin kay Light. "I will come back po." Sabi nito kay Light kaya tumango lang

