Bumalik kami ng hospital pakakain namin ng dinner ni Light at saka naman umuwi si Mrs. Reyes. Lumapit ako kay daddy at saka umupo sa gilid nito habang inaayos ng nurse ang dextros nito sa kaliwang kamay. "Sabi po ni dok kapag nagising po ang daddy mo ay tawagan niyo na lang daw po siya." Sabi nito kaya tumango lang ako saka na ito lumabas ng silid. "Babe i will go out for awhile, may kakausapin lang ako pero babalik rin ako agad." Sabi ni Light kaya napatango at niyakap ako nito at hinalikan saka na ito lumabas ng silid ni daddy. Dahil sa pagod ay napaidlip ako dito sa kama ni daddy at nang magising ako ay may humahaplos na sa ulo ko. Napatingin ako kay daddy na nakatitig sa akin kaya agad akong yumakap dito. "Dad kumusta ka may masakit ba sa'yo? May kailangan ka ba?" Tanong ko na ma

