Nakalipat na kami sa Tagaytay, at nahuli si Kari dahil may mga kailangan pa raw itong asikasuhin bago lumipat ng bahay. Ang condo ko ay pinalinis ko na rin at balak ko na lang na paupahan iyon, dagdag rin ang kikitain nito sa expences ko. Ayoko naman kasi na umaasa ako kay Light, kahit sinabi nito na he will provide anything for me. Ang mga gamit ko ay nabenta na rin ni Kari, at ang napagbentahan ay nilagay ko muna sa bangko. Incase na hanapan ako ni mommy, may ibibigay ako sa kanyang resibo. Hindi rin birong halaga ang napagbentahan ko sa mga bags at heels ko, lalo na sa mga damit ko. Ang townhouse ni Light ay nasa tatlong palapag, may elevator ito paakyat sa taas ang third floor ay ang kwarto namin ni Light. Ang second floor ay may apat na kwarto, nasa second floor si Yuki at Kari

