Prologue
"It's over!" that was the last thing I said before I left him and went back to Manila. It was the hardest and most painful decision I had to make. But at the back of my head, somehow I felt relieved. I know in my heart that he's not really meant for me and I'm just looking for an excuse to tell him that it is over.
At bakit panay ang English ko? Dinudugo tuloy ang ilong ko. Ganito talaga 'pag nakakainom. Pinapatay ng alak ang weak brain cells kaya feeling ko ay ang talino ko. Paglapag ng sinasakyan kong eroplano sa airport from Palawan to Manila ay napag-isipan ko munang dumaan sa paborito kong tambayan bago umuwi.
Sixteen years old pa lang ako ay madalas na akong pumupunta sa casino sa loob ng Hotel Le Madrigal. Noong last year ko sa high school ay dito ako nag-part-time as a waitress. Badly needed ang money for tuition at graduation fee kaya napilitan akong mamasukan. Mabuti na lang at dito rin nagwo-work ang friend ko na si Dynamite na college student naman noong time na iyon kaya madali niya akong naipasok kahit minor pa ako.
Nakaupo ako sa may bar at umiinom ng second cocktail ko nang makita ko si Don Paks—short for Pacundo—na nagpo-poker sa kabilang lamesa. Kanina pa pala niya ako tinitingnan. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay kinawayan niya ako at inalok na sumali.
Si Don Pacundo—pangalan pa lang ay dating DOM (Dirty Old Manyak) na. Nakilala ko siya noong seventeen pa lang ako. Kinailangan ko ng pera pang-enroll sa college at nagkataon na nagpapautang siya ng 5/6 katulad ng sa Bombay. Siya rin ang lagi kong pinupuntahan ‘pag need ko ng instant cash. To be fair with him, mabait naman siya. Mahalay nga lang. Madaling magpautang basta on time ka magbayad.
Pinuntahan ko siya at naglaro kami ng poker. I needed a distraction from my break up kaya pumayag akong maglaro kahit hindi naman ako marunong. He lent me some money para may panglaro ako. At sa kasamaang palad ay natalo ako. Sa pag-ibig nga talunan na, pati ba naman sa sugal ay talo pa rin? Sa kagustuhan kong makabawi ay lumaki nang lumaki ang utang ko sa kanya—hanggang sa hindi ko na namalayan na umabot na pala sa one hundred thousand pesos ang utang ko.
"Paksyet!" hindi ko napigilan ang sarili ko nang makita kong talo na naman ako nang buksan ko ang nakataob na baraha.
"Ano? Gusto mo pa bang bumawi? Pahihiramin kita ulit." ngiting tagumpay ang manyak. Palibhasa’y nakita niya ang talunan kong cards.
"No, thanks. Malaki na ang utang ko sa ‘yo. Babayaran kita ng installment tulad ng dati. Tuwing kinsenas at katapusan," tugon ko sa kanya sabay tayo mula sa kinauupuan ko.
"Wait a minute, young lady!" sabay hawak sa kamay ko pakabig sa kanya.
"Sino’ng may sabi sa 'yo na pera ang gusto kong ipambayad mo?" sabay himas niya sa braso ko.
Nakakadiri talaga ‘tong matandang ‘to.
"A-ano’ng ibig mong sabihin?" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya.
"Twenty-one ka na ngayon. Hindi ka na menor de edad. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito!" iniabot niya sa 'kin ang keycard ng isang room sa hotel.
"Pumunta ka sa room na 'yan. Mamaya at d'yan ko sisingilin ang utang mo sa 'kin."
"Hindi ako tulad nang inaakala mo!" mariin kong sabi sa kanya.
"Magbabayad ako sa 'yo tulad nang dati. May interest pa. Pero hindi ako makapapayag sa kung ano man ang gusto mo!" nangingilid ang luha kong sabi sa kanya.
"Kung wala kang maibabayad ngayon sa akin ay pumunta ka riyan sa kwarto na 'yan. Huwag mo akong gagalitin! Kilala mo ako. Masama akong magalit!" nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin sa 'kin sabay talikod para lumipat ng ibang table.
Wala akong magawa kung hindi ay umiyak pabalik ng bar. Sobrang malas ko naman ngayong araw na ‘to. Broken hearted na nga at pagkatapos ay baon pa sa utang. Ano ba’ng gagawin ko? Baka kung ano’ng gawin niya sa akin. Hindi ko kayang tanggapin na ang matandang iyon ang makakauna sa akin. Yuck!
Aaminin ko. Marami na akong naging boyfriend pero kahit isa sa kanila ay hindi naka-first base sa akin. Kahit ang tamis nang unang halik ay hindi ko pa nararanasan. Palibhasa ay wala namang nagtagal sa kanila. Pinakamatagal na 'ata na naging karelasyon ko ay tatlong linggo. Nahalikan nga ako pero smack lang.
Dadaanin ko na lang sa pag-inom ang lahat ng sama ng loob ko. Baka sakaling makakuha pa ako ng lakas ng loob. Mabait naman si Don Paks. Baka naman mali ang iniisip ko at wala naman siyang masamang intensyon sa akin.
Nakakalimang baso na 'ata ako ng cocktail drinks. May tama na talaga ako. Patayo na ako para pumunta sa room ng hotel na ibinigay ni Don Paks nang may lumapit sa akin na isang waiter.
"Miss, ‘eto po ang drinks n’yo."
Kumunot ang noo ko. Eh, wala naman akong in-order na alak at paalis na ako. Isa pa ay limited lang ang pera ko. Pamasahe na lang pauwi ang natitira.
"Hindi sa akin ‘yan. Wala akong in-order."
"Galing po 'yan sa lalaking nasa kabilang table." itinuro niya sa ‘kin ang taong nakaupo sa hindi kalayuan sa kinauupuan ko.
"Ah, gano’n ba? Sige, salamat."
Since libre naman kaya tinanggap ko na. Sayang din. Mahal kaya drinks dito.
Pinilit kong kilalanin ang lalaking itinuro ng waiter pero sa sobrang tipsy ko ay hindi ko siya mamukhaan. Isa lang ang masasabi ko. Pinagmamasdan niya ako habang iniinom ko ang cocktail na ibinigay niya sa akin.
Kasalukuyang inuubos ko ‘yong drinks nang may isang lalaki ang tumabi sa akin. At ‘yung lalaking nagbigay sa akin ng drinks ay patuloy pa rin akong pinapanood sa kinaroonan niya.
"Miss, is this seat taken?" isang baritonong boses ang nagtanong sabay upo sa tabi ko.
"Nagtanong ka pa. E nakaupo ka na!" sarkastiko kong sagot habang patuloy pa rin ang pag-inom ko.
"Sorry. You look like you had too much to drink. Are you alright?"
"Why do you care?" sagot ko habang patuloy pa rin sa pag-inom ko. Hindi ko na pinag-aksayahan na harapin pa siya at nagmadali na akong ubusin ang iniinom ko nang makaalis na.
"It's not safe to drink on your own. Wala ka bang ibang kasama? Do you want me to call somebody to pick you up? Or do you want me to take you home?"
Sa totoo lang ay na-nosebleed na ako sa kasasalita niya ng English. Pero in fairness, ang sweet niya.
Na-curious ako sa kanya kaya hinarap ko na rin siya. At bago pa ako makapagsalita ay naramdaman kong bumibigat ang aking pakiramdam at nanlalabo ang aking paningin. Ilang saglit pa ay bigla na lang akong nanghina at nawalan nang malay.
Tanghali na nang magising ako. Ang sakit ng ulo ko at buong katawan.
"Tanghali na?" bulalas ko.
Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan at laking gulat ko nang matagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang malambot at malaking kama.
"Paksyet! Nasaan ako? Hindi ko kuwarto ‘to. Masyado itong maganda para maging kuwarto ko!" sa tingin ko ay isa 'tong room sa hotel. Naisip ko na baka ito rin ‘yong room na ibinigay sa akin ni Don Paks.
Pabangon na ako ng kama nang mapansin ko na wala akong suot na damit sa katawan.
"Hindeee! Na-rape ba ako?" iniikot ko ang aking mga mata sa paligid pero walang ibang tao na naroon kung hindi ay ako lang.
Magulo ang kama. Parang may wrestling na naganap. May mantsa na pula ang bed sheet. Dugo ba ito? Or wine na natapon sa kopita?
Bumangon ako sa kama. Nang patayo na ako ay halos mawalan ako ng balanse dahil pinanghinaan ako ng tuhod. Magkahalong sakit ng katawan at panghihina ang nararamdaman ko habang isa-isa kong pinupulot ang damit ko na nagkalat sa sahig.
Hindi ko na mapigilan ang aking luha. Magkahalong takot at kaba ang aking nararamdaman habang dali-dali kong isinusuot ang aking damit. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito bago pa bumalik ang taong bumaboy sa akin. Habang isinusuot ko ang damit ko ay bigla kong napansin ang isang bagay na kumikinang sa aking daliri.
"Singsing? Saan galing ang singsing na suot ko?" white gold na napalilibutan ng dyamante ang singsing na nakasuot sa aking kaliwang kamay.
Bigla akong natigilan. Paano napunta ang singsing na ito sa akin?
May high tolerance ako sa alcohol kaya imposible na malasing ako nang gano’n kadali. Isa lang ang ibig sabihin no’n. May halong gamot ang huling cocktail na nainom ko. Pero sino ang lalaking nagbigay sa akin ng inumin na iyon?
Posible rin kaya na ang lalaking umupo sa tabi ko ang may kakagawan ng lahat ng ito?
O si Don Paks? At tuluyan na niyang napagsamantalahan ang kahinaan at p********e ko?
Bakit hirap akong alalahanin ang lahat ng nangyari?
Kailangang malaman ko ang katotohanan.
Napatingin akong bigla sa wall clock. Syet! Anong oras na? Ang tagal ko na palang nagmumuni-muni. Binilisan ko na ang pag-aayos ko bago pa mahuli ang lahat. Kailangan kong magmadali bago pa magsara ang Cebuana Lhuillier!
Kailangan kong malaman kung ang singsing na ‘to ay puwedeng maisangla!