Laking gulat namin ni Don Paks sa sinabi ni Sir Bernard. Bigla akong hinila ni Sir Bernard papalapit sa kanya na ikinasubsob ako sa malapad niyang dibdib. Hmm... Ang bango naman at ang sarap amoy-amuyin. Napatigil na lang ako nang mapansin ko na nakatingin na pala sa akin si Don Paks at si Sir Bernard habang ako naman ay feel na feel ang pagkakayakap kay Sir. “You can let go now," tumikhim pang utos ni Sir Bernard sa akin. Biglang bitiw ko naman sa kanya. "Sheri, Ser. Em scared kese, eh," pabebe kong sabi sa kanya while tucking my hair behind my ear. "Bakit ganyan ka magsalita? May sipon ka ba? " pagtatakang tanong niya. "Wala naman po," seryoso kong tugon. "Excuse me. Pero… PB and I have some unfinished business to discuss," sabay sabat ni Don Paks. "You have nothing to discuss!" b

