GABRIEL'S POV: Katatapos ko lang maligo ng mga oras na iyon. Magpupunas na sana ako ng aking basang katawan ng wala akong makitang towel. Hanggang sa naalala kong, ipinatong ko pala iyon sa aking kama. "Manang Marites!" Tawag ko pa sa isa sa mga katiwala ko dito ng farm upang sana iabot ang aking pamunas dahil narinig kong tila may tao sa loob ng kwarto ko. Nang walang sumasagot—nagpasya na akong lumabas. Dati ko pa naman ginagawa ang lumabas mula sa banyo ng hubo't -hubad dahil kampante naman akong walang makakakita sa akin. Kaagad kong minani-obra ang upuan kong de-gulong upang ako'y makalabas na. Ngunit sa hindi inaasahan' bigla na lamang akong napasigaw ng malakas ng makakita ako ng babaeng nakasuot ng pulang nighties at kapwa pa kami napasigaw sa isa't-isa. Halos magkanda-rap

