Naglakad nga sina Jewel kasama ng Ginang at dalawang lalakeng sumalubong sa kanya sa gate. "Marites, ikaw na ang bahala kay----- "Jewel po," nakayukong saad naman niya habang magkasiklop ang dalawang palad niya at pilit na kinokontrol ang panginginig niya. "Ah, oo, Jewel nga pala! Kay gandang pangalan. Sige na Marites, dalhin mo na siya kay Sir Gabriel. Sigurado' nanonood pa iyon ngayon." Utos pa ng isang lalakeng kasa-kasama nila bago ito tuluyang umalis. "Ineng, ayos ka lang ba?" Panay na ang panginginig ni Jewel at ramdam yata iyon ng Ginang na kasama niya. "A-ayos lang po ako Manang.. Ahm, a-a-no po pala ang lugar na ito?" Sa wakas ay naisatinig niya ng tuluyan na nilang narating ang nasabing korteng uod na iyon na kulay berde. Kung kanina, wirdong- wirdo na siyaβngayon halos pa

