"Kausapin mo yang bestfriend mo, Roy. Kasal agad ang gusto. Hindi man lang magtanong muna kung payag ako sa gusto niya. Dinadaan na naman ako sa sindakan at style niyang paspasan." Ani ko kay Roy. "Mag-usap nga kayong dalawa. Pati ako mapapagod na naman sa inyo. Aba'y hindi na tayo gaya noon. Na kahit ilang milya ang lakarin nating tatlo dito sa Baguio pag inaamo niyo ang isa't isa sa tuwing nagkakatampuhan kayo eh hindi sumasakit ang mga kasu-kasuan natin sa paglakad. Ibang usapan na ngayon. Pare-pareho na tayong nirarayuma." Reklamo ni Roy. "Saka tignan mo nga, dati dalawa lang kami ni Janus na humahabol sayo, Celine. Ngayon pati si CJ, nakihabol at nakiharang na din." "Oo nga naman po, My. Please stop running away po. Pakinggan mo muna po ang gustong sabihin ni Dy. Magusap muna po

